Advertisers
MULING nakasikwat ng ginto sa FIG ARTISTIC GYMNASTICS WORLD CUP ang maituturing na Pinoy golden gymnast na si CARLOS EDRIEL ‘CALOY” YULO, this time, hindi lang isa, dalawang (2) gold. Tulad ng kanyang naisusubi para sa karangalan ng Pinas, parang isang gintong atleta ang batang-Malate na mahirap ding makita sa usbong ng ating mga atletang Pinoy.
First ever SOUTHEAST ASIAN MALE WORLD CHAMPION sa pagkakasungkit ng bronze medal noong 2018 sa WORLD ARTISTIC GYNASTICS CHAMPIONSHIPS. Nasundan ito ng gold medal sa same competition noong 2019 at naging 18th overall out of 160 entries. Siya pa rin ang naging Second Pinoy gymnast na nag-qualify sa 2020 TOKYO OLYMPICS. Sumailalim si CALOY sa training under Japanese Coach MUNEHIRO KUGIMIYA sa TOKYO sa loob ng apat (4) na taon.
Kung tutuusin, malaking bentahe kay YULO ang maagang exposure sa Sports bilang batang-Malate kung saan malapit siya sa RIZAL MEMORIAL STADIUM. Malaking impluwensiya at inspirasyon sa kanya ang regular na panonood sa training ng top gymnasts sa stadium.
Muling nakatanaw si YULO sa pag-asam na makapagbulsang muli ng ginto sa darating na WORLD CUP SERIES sa Cairo, Egypt sa darating na Abril 27-30 ngayong taon. Sa kanyang posts sa social media, makikita ang isa sa mga inspirasyon ng ating golden boy, ang kanyang meztisa girlfriend na si CHLOE ANJELEIGH SAN JOSE na apparently all-out support sa 22 y/o gymnast.
ELDREW at ELIZA YULO,
SINUSUNDAN SI ‘KUYA’ CALOY
BY the way, gumagawa na rin ng pangalan sa Sports bilang gymnasts sina ELDREW at ELIZA YULO, nakababatang mga kapatid ni CALOY. Nasa national level na ng championship si ELDREW, 13 at sumasabak na si ELIZA, 12.
Isa sa pinakaaasam ni CALOY ang makasamang mag-represent ng Pilipinas ang kanyang mga kapatid. ‘Gusto ko pong makalaro talaga yung kapatid ko po, si ELDREW. Gusto ko pong mahintay siya until 2028 ( 2028 Summer Olympics, in Los Angeles, California).
Gusto ko din makita yung kapatid ko po, si ELIZA na makapag-Olympics po, like, maging team po kami na makakapunta po kami ng Olympics, sobrang cool po noon”, ‘Siguro po, last ko po yung 2028, pero hindi pa din po decided, kasi what if kaya ko pa po. Hindi naman ako basta-basta titigil lang po,’ pahayag ni CALOY sa isang interview.
Hindi pa nag-eexpect si CALOY sa dalawang kapatid dahil much younger pa, pero since suportado ng GYMNASTICS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES (GAP) particular si ELDREW, at ayon kay Federation President CYNTHIA CARRION-NORTON, “Eventually, ELDREW will also be going abroad when he’s old enough for training.” kaabang-abang po mga Kaisport. Sana, may enough budget sa ganitong mga atleta. Pinoy pride ang magkakapatid kaya maraming naka-follow sa special potential for sure. Good luck!
MARCH CHEERS
HAPPY 4th BIRTHDAY to JUSTINE JALLOREN of Barrera District, Cabanatuan, Nueva Ecija. Stay cute, grow up tall and keep yourself bright. HAPPY BIRTHDAY to Teacher EDNA F. SANTOS, a ‘Dakilang Guro’ awardee. HAPPY READING!