Advertisers
INUKIT ni Nikola Jokic ang kanyang ika-29 triple-double sa season matapos pangunahan opensa ng Nuggets sa 116-111 pagsipa sa Philadelphia 76ers.
Kumamada si Jokic ng 25 points, 17 rebounds at 12 assists para pamunuan ang Denver (51-24) na nakahugot kay Jamal Murray ng 19 markers.
Hindi naglaro sina Embiid (sore right calf) at James Harden (Achilles) para sa Philadelphia (49-26) na pinamunuan ni Tyrese Maxey sa kanyang 29 points.
Itinala ng Nuggets ang 22-point lead sa third period bago nakalapit ang 76ers sa 111-114 mula sa dunk ni Montrezl Harrell sa hu-ling 29 segundo ng fourth quarter.
Ang dalawang free throws ni Jeff Green sa natitirang 13.3 segundo ang sumelyo sa panalo ng Denver.
Sa Sacramento, umiskor si Jaden McDaniels ng 20 points at diniskaril ng Minnesota Timberwolves (39-37) ang pagbulsa ng Kings (45-30) sa isang playoff berth nang itakas ang 119-115 panalo.
Sa Detroit, naghulog si Khris Middleton ng season-high na 34 points sa 126-117 demolisyon ng Milwaukee Bucks (54-21) sa Pistons (16-59).
Sa Salt Lake City, kumamada si Devin Booker ng 24 points sa 117-103 panalo ng Phoenix Suns (40-35) sa Utah Jazz (35-40).