Advertisers
MAHIGIT sa mayorya ng Filipino ang may kamalayan sa Maharlika Investment Fund (MIF) batay sa Pahayag Quarter 1 (PQ1-23) survey sa 62%.
Ang National Capital Region (NCR) ang may pinakamataas na level ng awareness sa 72% at popular, sa pagitan ng edad 50 at 59 gulang nagrehistro sa pinakamataas na 69%, may 60+ years old sa 72%.
At least 28% ng respondent ang aprubado ang MIF.
Ang gumagandang agricultural production and supply chains (32%) ang itinuturing na pinakamataas na priority project para suportahan ang MIF, habang pumangalawa ang pagpondo sa universal healthcare para sa lahat ng Filipino sa 23%, at investment sa lifelong learning na nag-rehistro sa 11%.
Ang itinuturing na proyekto na itinatag sa logistichubs sa bansa (1%), ang pagtatatag ng internet connectivity mula Luzon hanggang Mindanao (3%) at National Railway System expansion sa labas ng Merto Manila (3%).
Samantala, ang governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pabor na pangunahan ang Maharlika Investment Corporation (MIC) sa 26%, kasunod ang PBBM sa 24%.
Ang PQ1-23 ay isang independent and non-commissioned survey na isinagawa ng PUBLICUS Asia Inc. sa pagitan ng March 2 to 6 2023.
Isa itong nationwide purposive survey na binubuo ng 1,590 respondents randomly drawn muka sa market research panel mahigit 200,000 Filipinos na pinanatili ng Singapore office of PureSpecrrum, isang US-based panel marketplace na may multinational presence
Ang sample ay pinaghihigpitan sa registered Filipino voters. Ibinigay ang Samples ng PureSpectrum na hindi affiliated sa anumang bias o political party.