Advertisers

Advertisers

GAPANGAN SA PAYATAS

0 166

Advertisers

NAKAUSAP namin kamakailan si Fr. Danny Pilario, isa sa apat na pare ng Iglesia Catolico sa komunidad ng Payatas sa Quezon City. Aktibo si Fr. Pilario sa komunidad na kung saan may itinayo ang Simbahan ng isang NGO upang tulungan ang pamilya ng mga biktima ng EJK na mabuhay ng marangal. Tapunan ang Payatas ng basura mula sa iba’t ibang part ng Metro Manila. Isang maralitang komunidad ito dahil nabubuhay sa basura ang maraming mamamayan ng komunidad.

Hindi tinulungan ng gobyerno ni Rodrigo Duterte ang pamilya ng mga biktima ng EJK na pinaslang sa kasagsagan ng madugo ngunit nabigong digmaan sa droga noong 2016-2017. Hindi bahagi ng anuman polisiya ng gobyerno ni Duterte ang tulungan ang mga pamilya, Pinaslang lang ang mga pinaghihinalaang adik at tulak ng ipinagbabawal na gamot ng mga pulis at vigilante. Ibinigay ang mga bangkay sa mga pinaboran ng punerarya na sumingil na labis sa kamahalan na serbisyo. Sa maraming pagkakataon, inabot ng dalawang linggo o isang buwan ang mga bangkay bago ilibing dahil wala silang pambayad sa punerarya, ayon kay Fr. Pilario.

Sa maraming pagkakataon, pinagsikapan ng mga maralitang pamilya ng mga biktima ng EJK na makalikom ng sapat na pambayad sa punerarya. Sa ilang pagkakataon, nakakaipon sila at ito ang pinakamalaking halaga na nakita at nahawakan nila sa kanilang buhay. Pinakamasakit na hindi sa kanila napunta ang pera. Napunta ito sa punerarya ngunit wala silang nagawa dahil ito ang paraan nila para mabigyan ng maringal na libing ang kaanak na pinatay, ani Fr. Pilario.



Sinusubaybayan ng mga taga-Payatas ang pag-usad ng mga balita tungkol sa sakdal na crimes against humanity na iniharap ng mga kritiko sa International Criminal Court (ICC) laban kay Duterte at mga kasapakat kaugnay sa madugong giyera kontra droga. Pumasok na sa estado ng formal investigation ang sakdal at aabot s 63 katao ang maaaring sumailalim sa imbestigasyon ng ICC. Maraming taga-Payatas ang pinaslang sa digmaan kontra droga kaya nariyan ang kaalaman upang sundan ang balita, ani Fr. Pilario.

Ayon kay Fr. Pilario, maraming pamilya ang pinagbuklod buklod ng ilang institusyon at NGO na binuo upang kanilang maging tinig sa pagsampa ng information hinggil sa EJK. Narito ang laro, aniya, dahil may mga naririnig na gapangan kung saan hinihimok ng ilang abogado na mag-isyu ng affidavit of desistance ang ilang mga pamilya na naghatag ng information sa ICC kaugnay sa pagpatay ng kanilang kaanak.



Ang estratehiya ng kampo ni Duterte ay palambutin ang mga pamilya upang hindi sila humarap at tumestigo o tuluyang iurong ang kanilang mga information sa ICC. Ngunit ang hindi alam ni Duterte ay ang mga nakatakdang pagbaligtad ng mga kasama niya sa giyera kontra droga. Hindi siya sigurado sa kanila. Maaari silang maging katulad ni SPO3 Arturo Lascañas.

***



DAHIL kinilala ni BBM na may pang-aabuso sa poder sa ilalim ng madugo ngunit bigong digmaan kontra droga ng administrasyong Duterte, may nakikita kaming liwanag sa polisiya ng kanyang administrasyon. Una, nakikita namin na pahihintulutan ng kanyang gobyerno ang ICC sa formal investigation nito kay Duterte at ibang sangkot sa giyera kontra droga.

Hindi kami magtaka kung pahintulutan ni BBM na papasukin ang mga imbestigador ng ICC sa bansa upang gampanan ang kanilang tungkulin na siyasatin si Duterte at mga kasapakat. Tuluyang matutunaw at mawawalan ng saysay ang mga salita ni Boying Remulla na hindi niya papasukin ang mga taga-ICC. Kunsabagay, tigas titi lang si Boying. Hindi namin siya kilala bilang isang maaasahang lingkod bayan, iyong may isang salita sa pamamahala. Salitang hangin lang ang alam ni Boying.

Nakita bilang pangalawang implikasyon, batay sa huling salita ni BBM, ang pangangailangan na magbigay ang estado ng bayad pinsala (reparations o indemnification) sa mga naulila at pamilya ng mga biktima ng EJKs. Hindi pa nakuwenta, o nabilang ang halaga ng maaaring dukutin ng gobyerno upang bayaran ang mga naulila ng mga biktima, ngunit kailangan magpasa ng ganitong batas ang Kongreso sa pinakamadaling panahon.

Hindi kasalanan ng mga pinuksa sa giyera kontra droga ang kanilang kapalaran. Pinuntahan sila ng mga pulis at vigilante sa kanilang bahay at pinatay kahit sa harap ng kanilang mga kaanak. Sa ibang pagkakataon, dinukot sila ng mga hindi nakilalang lalaki, pinahirapan, pinatay, at itinapon ang kanilang mga bangkay sa mga liblib na kapalaran. May mga paghkakataon na hindi nakita ang kanilang katawan at hindi kumilos ang mga pulis.

***

MAY katwiran si Edcel Lagman sa kanyang pahayag na hindi puede mag-isang dibdib ang Land Bank of the Philippines (LBP) at Development Bank of the Philippines (DBP). Kailangan ng Kongreso na magpasa ng batas upang pag-isahin ang LBP at DBP. Hindi puede ang pikot sa isyung ito. Bawal ang shotgun at anuman pilitan sa isyu.

Kailangan pag-aralan ang isyung ito ng mabuti. Kailangan isailalim ito sa matinding proseso ng batas. Tingnan mabuti kung ano ang idudulot na kabutihan sa bayan. Salamat at may Edcel Lagman na tumayo upang tumutol sa panukala ng mga economic manager sa pamumuno ni Ben Diokno.

***

NAGHANAP ng sakit ng katawan ang China sa pagmumupilit na angkinin ang halos kabuuan ng South China Sea. Pagkatapos ng tagumpay na Balikatan, ang magkasamang pagsasanay ng mga sundalong Amerikano at Filipino sa West Philippine Sea, at ang nakatakdang pagsasanay ng puwersang Taiwanese sa Hulyo, narito ang mga sundalo ng India at mga bansang kasapi ng ASEAN na magkakasamang magsasanay ngayong Mayo sa South China Sea.

Hindi nalalayo ang India at ASEAN na hindi nagustuhan ang pag-aangkin ng China sa South China Sea at ilang bahagi ng West Philippine Sea. Agad na kakalusin ang pagmamalabis ng China.Kasama sila sa alyansa sa pamumuno ng Estados Unidos na naglalayon garantiyahan ang malayang paglalayag sa South China Sea.

***

MGA PILING SALITA: “I always prefer the anarchy of a noisy mass media than the silence of a suppressed mass media. As a working journalist, I witnessed the difficulties of a suppressed media during the Marcos dictatorial regime. The return of its vibrance and dynamism in the post-Marcos era is a cause to rejoice. We should always protect press freedom – at all times.” – PL, netizen

“My stomach churns out some acid whenever I hear those broadcast people using the words ‘medyo’ and ‘parang.’ Medyo, or medio, means half in Spanish. Parang (it seems) is used when one is unsure of what he is saying. Broadcast people should not use them. They dilute the context of their reports. Delete them because they are of no use and consequence. They only show that they are unsure of what they are saying.” – PL, netizen