Advertisers
Bago po natin itanong kung kilala ni Makati Mayor Abby Binay itong sinasabing si Zybil na siyang may hawak ng talamak na illegal gambling sa Siyudad eh unahin na muna nating pansinin ang nalalapit na Barangay Election.
Alam po ba ninyo mga Ka Usapang HAUZ eh marami ang nag-message sa atin hinggil sa umano’y laganap na pagpaparehistro ng mga illegal voters ngayon, kaya dapat lang na paimbistigahan ng Comelec ang ulat partikular diyan sa Bgy. Carmona, ng nasabing Lungsod.
Sana raw ay maging mas mahigpit ang Comelec at mapanuri pa sila bago payagang irehistro ang mga indibiduwal na kahinahinala ang estado bilang botante ng isang brgy.
Para sa Usapang Hauz eh maliit na bagay para sa energetic at workaholic Makati mayor Binay ang sinasabing problema sa pagpaparehistro ng sinasabing illegal voter’s yakang yaka iyan ng Comelec, pero sa pagkakataong ito nais nating manawagan kay Mayor Abby hinggil sa ilegal na sugalan sa kanyang siyudad.
Nais nating ipagbigay alam sa butihing Alkalde ng Makati City na talamak na umano ang illegal gambling sa kanyang nasasakupan na isang alias Zybil ang siyang Panginoon ng pagpapalawak ng ilegal na sugalan.
Alam naman ng Usapang HAUZ kung gaano ka busy ang Lady Mayor sa kanyang mga priority projects sa lungsod kaya siguro hindi na mabigyan pa ng pansin si Zybil sa kanyang illegal gambling activities, Baka kasi hindi na rin niya namo-monitor ang performance ng kanyang kapulisan hinggil sa kampanya laban sa illegal na pasugalan dahil sa sobrang abala.
Kaya mabuting malaman ni Mayor Abby na mayroong isang Zybil ang siyang pinuno ng city wide illegal gambling activities siguro kapag si mayor Binay na ang mag-utos sa chief of police na si Col. Edward Cutiyog upang ipagbuwag ang sindikato ng lotteng, suwertres, easy 2 at bookies ng karera ng kabayo na isinusumbong ng ating mga kababayan.
Ang Makati City PNP ay naglunsad ng tinatawag na CUTIE o Cooperation, Unity, Transparency, Integrity, Equality.
Sakaling agad itong aksiyunan ay isang napakagandang accomplishment ito para kay Col. Cutiyog na alam kong hindi papayag na mapalusutan siya ng kanyang mga tauhan.
Ang sinasabing main area ng operation ni Zybil ay sa JB Roxas Street, Bgy. Olympia ng lungsod, ayan ha Mayor Abby Binay binigyan kita ng konting detalye para sa agarang pagbuwag sa illegal gambling activities ni Z.
Eto po mayor Abby isang kulay green na gate ang labas-pasok ang mga kabo at kolektor dito kung saan ay malawakan ang kubransa ng kanilang illegal na pataya sa Barangays Olympia, Poblacion, Carmona, Singkamas, Kasilawan, Valenzuela, Tinejeros, Sta. Cruz, Guadalupe, La Paz, San Antonio.
Idagdag na rin natin sa kaalaman ni mayor Abby na ang kabo sa Olympia, Sta. Cruz, Valenzuela, Carmona ay si Sense. Si Adin naman ang may hamak sa Tinejeros, Aguilar at Varona Streets, samantalang sina Anog at Moymoy ang mga siga naman sa Esperan at Dizon Streets, get’s nyo po mayor?
Nasisiguro kong sa mga impormasyong ito ay hindi na mahihirapan si Col. Cutiyog na ipabuwag ang naturang sindikato, lalo na at malaki ang tiwala sa kanya ni Mayora Abby, Abbey kilos na!
Bago nga pala natin batiin ng Belated Happy Birthday itong si Southern Police District (SPD) director Brig. Gen. Kirby Kraft, nais na rin nating iparating sa magiting na heneral itong si Zybil na tinaguriang Panginoon ng Illegal Gambling sa Makati City, paki sabi kay Col. Cutiyog na buwagin ang ilegal na sugalan bilang pa birthday sa iyo.
Bagamat hindi naman personal na kakilala ng Usapang Hauz si DD P/Brig.Gen. Kraft ay matunog na matunog ang pangalan nito sa dami ng kanyang mga accomplishments, keep up the good work Gen. Mabuhay!
***
Para sa inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com or mag Txt o tumawag sa 09352916036