Advertisers

Advertisers

Sa pagtatapos ng worldwide pandemic: “Ituloy ang pagpi-facemask…” – Mayor Honey

0 111

Advertisers

“Continue wearing your facemasks especially when indoors, observe physical distancing and regular washing your hands.”

Ito ang paalala ni Manila Mayor Honey Lacuna sa lahat ng residente, lalo na sa mga nagtatrabaho indoors, sa kabila ng deklarasyon ng World Health Organization (WHO) kamakailan sa pagtatapos ng global emergency status para sa COVID-19, tatlong taon makaraan ang deklarasyon ng pandaigdigang pandemya.

“Isang paalala lang po sa ating lahat. Bagamat wala na pong state of public health emergency na idineklara ng World Health Organization, patuloy pa rin po nating hinihikayat ang lahat, na patuloy nating sundin ang minimum public health protocols,” sabi ng alkalde.



Espesyal na binanggit ni Lacuna ang mga nagtatrabaho sa tanggapan ng Manila City Hall, na humaharap sa mga walk-in individuals araw-araw.

Maliban sa karaniwan ng protocols ng pagsusuot ng facemasks, physical distancing at regular na paghuhugas ng kamay, nanawagan din ang alkalde sa mga kawani ng lungsod na iwasan ang pagkain ng sabay-sabay dahil isa din ito sa dahilan ng transmisyon.
.
“Alam ko po, sabik na sabik kayo sa inyong mga kasamahan pero kung kaya naman ninyo, magsolo muna sa pagkain muli,” sabi ni Lacuna.



Binigyang diin ng alkalde na sa kabilang na inalis na ang public health emergency, ang bilang ng taong nahahawa ng COVID-19 sa Maynila ay patuloy ang pagtaas.

“Patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID dito sa ating lungsod,” sabi ni Lacuna kung saan binanggit din ang bilang na ipinadala sa kanya ng mga concerned city offices at hospitals.



Ayon pa sa alkalde ang bilang ng mga nahawa ay base lamang sa mga sumailalim sa RT-PCR tests at ‘di kasama ang mga nag-antigen tests.

Hinikayat ni Lacuna ang lahat ng mga kawani ng City Hall na hindi pa nakakumpleto ng kanilang primary at booster shots na magpunta sa city government employes’ clinic (CGEC) at magpaturok na ng bakuna para sa kanilang proteksyon. (ANDI GARCIA)