Advertisers

Advertisers

BI nagbabala sa pekeng CFO, GCP certificates na binebenta ng mga scammers

0 117

Advertisers

NAGBABALA ang Bureau of Immigration (BI) sa publiko laban sa nagkalat na pekeng Commission on Filipinos Overseas (CFO) Guidance and Counseling Program (GCP) certificates na ibinebenta ng mga scammers.

Ang babala ay inilabas ni BI Commissioner Norman Tansingco matapos mahuli ang dalawang Pilipina na may pekeng GCP certifications sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ang GCP ay isang kinakailangang pre-departure seminar na isinagawa ng CFO na naglalayong bigyan ng sapat na impormasyon ang mga Filipino sa intermarriages at bi-national na relasyon sa mga reyalidad ng kultura at panlipunang reyalidad sa ibang bansa.



Napag-alaman na ang mga biktima na nagtangkang umalis ng bansa sa dalawang magkahiwalay na okasyon, ay naharang ng BI personnel matapos maghinala sa pagiging tunay ng mga dokumentong kanilang ipinakita.

Nagduda umano ang BI na peke ito nang hindi rin naipakita ng dalawang babaeng biktima ang opisyal na digital copy ng certificate na inisyu umano ng CFO.



Sinabi ni BI spokesperson Dana Sandoval na isa sa biktima na dapat ay umalis ng bansa noong Abril 30 kasama ang kanyang Indian boyfriend ang nagbunyag na nakuha nito ang pekeng sertipikasyon mula sa isang malapit sa opisina ng CFO sa halagang P2,000.

Ang isa pang biktima, na kasintahan ng isang Hong Kong national ay nagtangkang umalis noong Mayo 3 at tinulungan ng isang kinilala lamang na si ‘Ana’ na nakilala nito sa online, na binayaran niya ng P5,000 para sa pekeng CFO certificate.



Ani Sandoval, napatunayang peke ang isinumite ng mga biktima nang kumpirmahin ito ng CFO officer na nakatalaga sa paliparan.

“The government imposed the pre-departure counseling services to deter trafficking in the guise of marriage and the mail-order bride scheme. This is also to ensure that migrating Filipinos know their available support network abroad in times of distress. Always verify the legitimacy of your transactions with authorized CFO agents only,” pahayag ni Tansingco. (JERRY S. TAN/ JOJO SADIWA) (BI) sa publiko laban sa nagkalat na pekeng Commission on Filipinos Overseas (CFO) Guidance and Counseling Program (GCP) certificates na ibinebenta ng mga scammers.

Ang babala ay inilabas ni BI Commissioner Norman Tansingco matapos mahuli ang dalawang Pilipina na may pekeng GCP certifications sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ang GCP ay isang kinakailangang pre-departure seminar na isinagawa ng CFO na naglalayong bigyan ng sapat na impormasyon ang mga Filipino sa intermarriages at bi-national na relasyon sa mga reyalidad ng kultura at panlipunang reyalidad sa ibang bansa.

Napag-alaman na ang mga biktima na nagtangkang umalis ng bansa sa dalawang magkahiwalay na okasyon, ay naharang ng BI personnel matapos maghinala sa pagiging tunay ng mga dokumentong kanilang ipinakita.

Nagduda umano ang BI na peke ito nang hindi rin naipakita ng dalawang babaeng biktima ang opisyal na digital copy ng certificate na inisyu umano ng CFO.

Sinabi ni BI spokesperson Dana Sandoval na isa sa biktima na dapat ay umalis ng bansa noong Abril 30 kasama ang kanyang Indian boyfriend ang nagbunyag na nakuha nito ang pekeng sertipikasyon mula sa isang malapit sa opisina ng CFO sa halagang P2,000.

Ang isa pang biktima, na kasintahan ng isang Hong Kong national ay nagtangkang umalis noong Mayo 3 at tinulungan ng isang kinilala lamang na si ‘Ana’ na nakilala nito sa online, na binayaran niya ng P5,000 para sa pekeng CFO certificate.

Ani Sandoval, napatunayang peke ang isinumite ng mga biktima nang kumpirmahin ito ng CFO officer na nakatalaga sa paliparan.

“The government imposed the pre-departure counseling services to deter trafficking in the guise of marriage and the mail-order bride scheme. This is also to ensure that migrating Filipinos know their available support network abroad in times of distress. Always verify the legitimacy of your transactions with authorized CFO agents only,” pahayag ni Tansingco. (JERRY S. TAN/ JOJO SADIWA)