Advertisers
Isang taon na mula ng halalan 2022. 365 na araw na nang may magic na naganap. 12 buwan na nakalipas nang nabudol-budol ang mga Pilipino.
Para masaya tayo ngayon ay heto pang-aliw na mga tanong hinggil sa iba’t ibang koponan sa NBA. Tutal playoff mode na ngayon kaya swak sa panahon.
Anong NBA team ang maraming trabaho mga player? Eh di Houston kasi ma-Rockets (raket) sila.
Anong NBA team ang parating may nakukuhang kung ano-ano mga player? Eh di Denver kasi Nuggets (na-gets) sila.
Anong NBA team ang mapapayat ang mga manlalaro? Eh di Grizzlies kasi Memphis (manipis) sila?
Anong NBA team ang halos pasang-awa ang mga grado? Eh di Philadelphia kasi 76ers sila?
Anong NBA team ang walang kabuhay-buhay ang laro? Eh di Hawks kasi at-Lanta sila?
Anong NBA team ang tiyak na nalulugi? Eh di Nets kasi Brooklyn (Broke-lyn) sila.
Anong NBA team ang merienda madalas ay Pinoy food? Eh di Raptors kasi TURON-to sila.
Anong NBA team ang malimit di sumisipot sa game? Eh di Pacers kasi INDIYAN-a sila.
Anong NBA team ang kulelat? Eh di Mavericks kasi Dallas (the last) sila.
Anong NBA team ang mahirap unawain? Eh di Warriors kasi may Looney na, may Moody pa sila.
Anong NBA team ang nakakagutom lalo na pag coaching huddle? Eh di Lakers kasi HC nila si D Ham.
Anong NBA team ang mahal ng mga bayani? Eh di Heat kasi may K Love at T Herro sila.
Anong NBA team ang masarap magpakain? Eh di Golden State kasi may Curry na sila, may Lamb pa.
Anong NBA team ang pinakamakulay sa hardcourt? Eh di Nuggets kasi may B Brown, J Green at J White sila sa line-up.
Anong NBA team ang magaling sa trash-talking? Eh di Denver at Memphis kasi ang Nuggets may Murra-y at Grizz may Mora-nt.
***
Kung mag-all the way ang LA Lakers sa titulo ay pinakamadramang comeback yan sa sports na masasaksihan natin sa telebisyon.
Mula sa 2-10 na kartada na pang-13 lang sa WC ay nakapasok sa play-in tapos makakasungkit pa na titulo ngayong season.
Lalong exciting kung Boston makaharap nila sa Finals. Parehong naghahabol ng pang-18 na korona. Naku gustong-gusto yan ng NBA at media. Ang gandang istorya.
Kung sakali ay madadalian na sila sa summer kung paano mapapirma muli sina D’Angelo Russell, Austin Reaves at Dennis Schroder na siguradong pag-aagawan ng ibang prangkisa.