Advertisers
SINIBAK ng NLEX ang kanilang big man na si JR Quiñahan dahil sa paglalaro nito nang walang pahintulot sa isang ligang labas sa Cebu City kamakailan.
Ayon sa Road Warriors management, direktang nilabag ng veteran center ang kanyang Uniform Players’ Contract (UPC) dahil sa nasabing insidente.
“The NLEX Road Warriors have decided to terminate the remaining contract of Jose Ronald “JR” Quiñahan,” pahayag ng NLEX. “Following a thorough investigation, it was found hat Quiñahan had committed several infractions of his Uniform Players’ Contract, among others, playing in unsanctioned games without seeking clearance from NLEX management and the Philippine Basketball Association.”
Dahil dito ay ituturing nang isang free agent ang Cebuano center.
Nauna nang pinagmulta ng PBA sina Quiñahan at Beau Belga ng Rain or Shine ng tig-P70,000 dahil sa rambulan sa ligang labas sa Cebu.
Pinagbayad din ng PBA si Jio Jalalon ng Magnolia ng P100,000 dahil sa paglalaro sa ligang labas at sina Rey Nambatac at Jhonard Clarito (RoS).