Maxene may syota na kahit di pa divorced sa ex-mister; Ellen pinagdarasal na si Derek ang mabuntis at manganak
Advertisers
Ni BETH GELENA
SiNASADYA man o hindi, umagaw pa rin ng ekaena si Angeline Quinto habang nagdu-duet sina Jed Madela at Klarisse de Guzman sa ASAP.
Tweet ni Angge: “Namasyal lang talaga ako, sarap mag-ikot sa studio. Next time join kayo @klarissedguzman.-@jedmadela”
Sinakyan naman ni Klarisse ang humor ni Angeline
“Sorry geh, di nakasama excited kasi ako sa line na “Pangarap.Ko.”
Sey naman ni Jed: “Tawang-tawa lang talaga ako sa bloopers namin sa ASAP. Ganun talaga guys Live eh. And nobody’s perfect… hahaha… ay meron pala perfect ..
Yun pala mga nambabash
hahah… galing nyo eh.”
Tanong ng netizens, “Is it for real? Hindi ba may mga floor managers naman yan”
“Yes. All because of the staff’s poor handling of Jona’s non-attendance of that episode due to health reasons (sore throat).”
“Bakit wala na kaayusan. I even heard Klarisse saying something. Ang layo na sa asap before”
“Wow ha. Ngayon lang nagkamali ng ganyan, makacomment ka parang usual na ganap to. Ikaw yung sinasabi ni Jed na perfect. Perfect mangbash.”
“Yung dati kasi may natapilok tapos nag-PI. Yung isa naman baliktad ang mic nung kumanta. Jhusko, normal naman yang mga bloopers pag live.”
“pwede ba? Wag mo sila itulad sa Girltrends.”
“Hahaha yung lakad pa ni angeline wahaha”
“Napanood ko to, lakas ng trip ni accla!!”
“Pati si Klarisse nagkamali! Hahaha Akala ko practice lang.”
“kwela talaga tong si Angeline. buti na lang ganda ng version mo ng kanta ni Sarah G na ‘Dahil Minahal mo Ako” that Sunday hahahaha”
“Kahit kami ni mother natawa dito. Believe aku kay Jed kasi nakaya nyang di tumawa.”
“Iba na talaga quality asap now di na ata sila nagpra practice”
***
ISANG netizen ang nagtanong kay Ellen Adarna kung may plano raw ba silang mag-anak ng asawang si Derek Ramsay.
Pabirong ng aktres na pinagdarasal niyang si Derek na lang ang magbuntis.
Ang rason niya, nakakapagod daw magbuntis.
Sa isang panayam kay Ellen, nabanggit niyang hindi muna siya magbabalik sa showbiz para matutukan ang plano nila na magkaanak.
Ani Ellen, sakaling manganak man siya ay pitong taon muli ang kanyang igugugol para sa kanyang bagong anak tulad nang manganak siya kay Elias.
Pero nakakapagod din daw ang manganak kaya pinagdarasal niyang si Derek na lang ang magbuntis para sa kanya.
***
MAY nakakita kay Maxene Magalona na may kaholding hands na naglalakad sa isang mall.
Ayon sa netizens, iyun daw ang bagong boyfriend ng aktres.
Ang tanong ng netizens, “Divorce na ba sila ng mister niya?”
“Hindi, wla namang divorce satin. separation siguro ei nasimulan na”
Pero hindi ang guy ang napuna ng netizens kundi ang mga mata ni Maxene.
“Grabe yung Panda eyes nya”
“They were together in Palawan weeks ago.”
“Para nang sa panda ang eyes ni Max”
“Bat ganun mata ni Maxene?”
“Eyebags ba yan or eyeliner o mascarra na nakusot?”
Napansin naman ng netizen ang mga post noon ni Maxene kapag nagta-travel.
“Pero yung mga captions nya puro “solo trip” “booked a solo trip for solitude” eme kahit halata namang may kasama sya. May pagka echoze din talaga sya.”