Advertisers

Advertisers

ASAP DI NA MAPAPANOOD SA SUNDAY NOONTIME SHOW

0 2

Advertisers

Ni Beth Gelena

Nakaka-alarma naman kung totoong mawawala na ang longest variet show ng Kapamilya network, ang ASAP at ang ipapalit umano sa time slot na maiiwan ay ang It’s Showtime nina Vice Ganda kaya raw malamang ay Monday to Sunday na mapapanood ang nasabing noontime show.

Nagtanung-tanong ang inyong lingkod kung may katotohanan nga ang tsikang aming nasagap.

May nagsabing may katotohanan ang nasabing tsismis, pero ang totoong latest daw sa situation ay may pagbabago lang na mangyayari.

As of now daw ay mapapanood pa rin muna Lunes hanggang Sabado ang It’s Showtime.

Wala pang official announcement na magiging regular Sunday show ito. Kumbaga, wala pang kompirmasyon na may ganung setup.

Regarding naman daw sa ASAP, hindi naman daw ito mawawala kundi magbabago lang ng oras.

Aalis lang daw sila sa noontime slot at lilipat sa primetime (around 5:30 PM) bilang “ASAP XP” simula ngayong May 2026.

Ang tanong ano ang mangyayari sa Sunday noontime slot.

Mawawala ang ASAP sa 12 NN Sunday slot kaya may bakanteng slot, pero wala pang official confirmation kung It’s Showtime ang papalit.