Advertisers
Ni Beth Gelena
Isa ang GameZone, ang online gaming na malaking sponsor ng Aurora Festival na ginanap sa Clark, Angeles, Pampanga nitong May 1 at 2.
Sa nasabing online gaming ay may bago na rin silang brand ambassador, ang Pinoy Champ na si Manny Pacquiao nito lang April 2026.
Yes, sila ng dalawa ngayon ni Vice Ganda ang naglalakihang endorser ng online.
In-announce si Manny bilang newest ambassador ng platform (under DigiPlus).
Dati ay sa Playtime si Manny kasama sa Bossing Vic Sotto.
Eh, bakit nga ba siya umalis sa PlayTime?
Walang malinaw na official public statement na nagsasabing “ito ang dahilan kung bakit siya umalis sa PlayTime.”
Base sa industriya, may malakas daw na posibleng dahilan.
Tulad ng Brand switch / bagong kontrata
Sa ganitong endorsements, ang
GameZone daw ay bahagi ng mas malaking kumpanya (DigiPlus)
Madalas, kinukuha si Pacquiao bilang “major face” ng brand, hindi lang simpleng endorser
Samantala, na-invite ng online gaming ang Kapuso aktor na si Rayver Cruz.
May punching machine challenge sa Aurora Festival kung saan nagtala si Manny ng score na 792.
Aba, aakalain nyo bang na-beat ni Rayver si Manny sa score niyang 859 kontra 792.
Natalo ni Rayver ang score ni Manny sa game booth.
Pero syempre, for fun lang ‘yan (arcade punching machine) — hindi actual boxing power comparison.
Set nga ni Rayver, “nakakatuwa naman na kahit sa ganitong klase ng competition ay na-beat ko ang ating napakasikat na boksingero. Flattered ako dahil na beat ko ang score niya. Pero sa actual na game wala akong kalaban-laban sa nag-iisang Manny Pacquiao. Idol natin yan at ipinagmamalaki ng ating bansa. A Proud Pinoy Manny Pacquiao.”