Advertisers

Advertisers

Janine Gutierrez mas daring sa eksena nila ng dyowang si Jericho Rosales sa bagong serye

0 2

Advertisers

Ni Anne Venancio

Inamin ng aktres na si Janine Gutierrez na mas daring at kakaiba ang kanyang ginagampanang karakter sa bagong psychological thriller series na The Loyalty Game, kung saan kasama niya ang kanyang real-life partner na si Jericho Rosales.

Ayon kay Janine Gutierrez, malayo ang kanyang bagong papel sa kanyang mga naunang ginampanan kaya itinuturing niya itong malaking hamon bilang aktres.

Dagdag pa niya, malaking tulong ang suporta ni Echo para mas maging epektib ang kanyang pagganap sa kanyang karakter.

“Mas naging kumportable ako sa sarili ko sa set. Malaki ang naitulong niya sa confidence ko bilang aktres,” pahayag ni Janine.

Dagdag pa ng aktres, mas naging maayos at natural ang kanilang pagtatrabaho ngayon kumpara noong una nilang proyekto dahil mas kilala na nila ang isa’t isa. Maganda rin umano ang samahan ng buong cast at production team sa ilalim ng direksyon ni Mae Cruz-Alviar.

Ibinahagi rin ni Janine na itinuturing niya si Jericho hindi lamang bilang partner kundi bilang mentor niya sa trabaho.

Sa The Loyalty Game, inaasahang ipapakita ni Janine ang mas matured at mas matapang na performance, bilang bahagi ng patuloy na pag-angat ng kanyang karera sa showbiz.