Advertisers

Advertisers

Kaila at Andrea ipinagtanggol ni Charlie

0 4

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

Sa isang panayam, nagbigay ng pahayag si Charlie Dizon hinggil sa double standard na naoobserbahan niya sa pagtrato sa mga kababaihan sa lipunang Pinoy kasama na sa showbiz.

Aniya, bagamat hindi raw siya iyong tipo ng celebrity na mahilig mag-post sa social media, naniniwala naman siyang bilang babae ay kailangang magsalita siya sa ganitong mga isyu.

Katunayan, minsan daw ay napagkakamalan siyang siga for speaking her mind.

Isa raw sa hindi pantay na naobserbahan niya ay ang maling pagtingin sa mga imahe ng kababaihan.

” Minsan di ba, pag ang artista masyadong pa-sexy, sasabihing malandi or masyadong pa-sexy na ano pa papakita nito. Pero kapag di rin masyadong sexy eh walang dating o sasabihin na hindi glamorous, “lahad niya.

Hirit pa niya, dapat daw ay bigyan ng kalayaan ang mga babae na mamili ng kanilang path kesa sumunod sa mga panuntunang idinidikta ng iba.

Sey pa niya, pag ang lalake raw ang nagkamali ay mas madaling napapatawad kesa sa mga kababaihan.

Ang halimbawa raw nito ay ang pagkakaroon ng scandal ng male celebrities na nalilimot agad ng publiko once na mag-apologize sila sa TV na hindi raw masasabi sa mga kababaihan.

“Halimbawa, sa scandal, parang sa lalaki, katanggap-tanggap. Alam mo yun? ‘Okay, lalaki.’ Ganun yung dating. Hindi too damaging,” bulalas niya.

Samantala , sa kaso raw ng mga babae ay nahihirapan silang linisin ang kanilang imahe kapag nahusgahan na.

“Naging line ko ‘to sa What Lies Beneath. Sinabi ko dun sa anak ko dun, na parang minsan kasi kapag ang babae may scandal, ang hirap na bawiin. Iba na kaagad yung tingin sa kababaihan, masisira agad yung buong mundo niya, ganun eh. Pero kapag lalaki, ikapapalakpak pa niya, paminsan nakakadagdag pa sa pride niya, sa pagkalalaki niya,”esplika niya.

Ipinagtanggol din niya sina Andrea Brillantes at Kaila Estrada na sa palagay niya ay nakatanggap ng unfair treatment sa netizens sa social media.

“Si Blythe, nakita ko bina-bash siya dati, minsan si Kaila Estrada, nakikita ko ngayon kasi nakasama ko siya sa What Lies Beneath so pag na-meet niyo siya, or nakilala niyo siya in person, sobrang ayos na tao. Kaya yung mga nababasa ko about her, sobrang layo, as in unfair na unfair,” pagtatapos niya.