Advertisers

Advertisers

PAMPASIGLA NG EKONOMIYA

0 122

Advertisers

SA pangalawang pagkakataon humakot ng di lang pagkilala ang muling pagpunta ni Pangulong Bong Bong Marcos sa America. Nagpabaon pa ito ng $1.3 bilyong puhunan na ilalagak ng mga kasangga nating mga ‘kano’ sa ating bansa.

Limang araw lang ang inilagi ni PBBM doon, pero nagbunga ito ng pagkakataon para sa mahigit anim na libong trabaho na maibibigay nito sa ating mga kababayan.

Ang mga ganitong diskarte ni PBBM ang siyang kailangan talaga ng ating bayan. Mahusay na pakikitungo sa sino mang lider ng ibang bansa, para mapasigla at mapatatag ang ating ekonomiya.



Paraan din ito ni PBBM na masigurong ang kapayapaan pa rin ang dapat na umiiral sa bawat bansa partikular na ang mga bansang nasa rehiyon ng Asia, kung saan panay ang porma at pambubully’ ng bansang China di lang sa atin pati maging sa Taiwan.

Mismong si PBBM ay nagugulat sa pagkakatanggap ng mga offer ng mga Amerikano. Ito raw ay malaking tulong para sa kanyang mga kababayan, ang nasabi niya sa kanila.



Ang mga U.S. company naman na mayroon ngnegosyo dito ay nangako pa na palalawigin ang kanilang negosyo dito sa Pinas.

Ipinangako naman ni PBBM na ang mga Amerikanong negosyo dito sa atin ay di niya pababayaan, kaya naman kinagiliwan talaga siya ni ‘Uncle Sam.’



Magtutulungan ang dalawang matagal nang magkaibigan US-RP para tumatag lalo ang mapaghamong ekonomiya, partikular sa pagkain, enerhiya, climate change at seguridad.

Meron pa pala. Itong Maxeon, na solar naman ang negosyo ay naghayag ng kanilang I teres na maglagak ng $900 million para patatagin ang ating solar energy industry, na inaasahang makapagbibigay ng tatlong libong trabaho para sa ating mga Filipino.

Ang Optum, na US-based healthcare services provider, naman ay P800 million ang ilalagay para sa tulungan ang ating medical business process outsourcing. Isang libo’t limang daan (1,500) na trabaho naman ang mabibigay nito sa atin.

Eto ang mamingat, sabi ni US President Joe Biden magpapadala siya presidential trade at investment delegation na maituturing na kaunanahan mangyayari sa Pilipinas.

Siguradong magiging matatag ang ating ekonomiya pagnatuloy ito.