Advertisers
PINAGTULUNGAN gahasain at patayin ang 15-anyos na dalagita ng dalawang lalaki nitong Sabado sa M’lang Cotabato.
Ayon kay Lt. Colonel Realan Mamon, hepe ng M’lang Police Station, 2:00 ng hapon nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa masukal na bahagi ng Purok 4, Lepaga, Mlang.
Nadakip ang mga salarin na kinilalang sina Rogie Articonas Magallanes, 43 anyos, ng Purok 5, Barangay Lepagal; at Nilo Belarmente Fortunato, 42, ng Purok Kaunlaran, Bagontapay ng nasabing bayan.
Sa imbestigasyon ng pulisya, 5:00 ng hapon umalis ng kanilang bahay ang dalagita para manguha ng gulay subali’t hindi na ito nakauwi pa.
Nang hinanap ang biktima ng kanyang pamilya, natagpuan itong wala nang buhay.
Ilang residente sa lugar ang nagsabi sa pulisya na nakita nila ang mga salarin sa nasabing lugar kungsaan natagpuan ang bangkay ng dalagita.
Sa follow-up operation ng pulisya kaagad nadakip ang mga salarin na kasalukuyan nang nakakulong at sasampahan ng rape at murder.