Advertisers

Advertisers

Sharon bumaba para kaibiganin si Osang; Jason flinex ang baby bump ng misis na si Vickie

0 107

Advertisers

Ni BETH GELENA

FLINEX ng misis ni Jason Abalos na si Vickie Rushton ang kanyang tummy na nasa 26-week baby bump na.
Una nang inanunsiyo ni Rushton na siya ay preggy kamakailan lang.
Ang caption niya sa larawang flinex, “26 weeks of growing you.”
Kasalukuyang viral sa socmed ang tummy ng former beauty queen.
Agad namang nag-reply ng napakaraming heart emotions ang mister na si Jason.
Dati ring produkto ng Pinoy Big Brother si Vickie.
***
G-FORCE ‘DI KAWALAN SA CONCERT NI SARAH G.
HINDI man naging parte ng 20th anniversary concert ni Sarah Geronimo ang grupo ng G-Force ni Teacher Georcelle ay successful pa rin ang concert ng Popstar Royaly.
Pero, hindi tinatanggi ng mga nakapanood na hinahanap-hanap pa rin nila ang original dance steps ng Tala song ni Sarah.
May nagkomento namang hindi raw naman kawalan ang G-Force sa concert. “Ang importante hindi si Sarah ang nawala.”
Before ng concert ni Sarah ay nakapanayam ang mister niyang si Matteo Guidicelli.
Natanong sa kanya kung magiging parte pa ba ng concert ni Sarah G. ang dance group ni Teacher Georcelle.
“Manood kayo para malaman n’yo.”
Wika pa ni Matteo, hindi lang daw isa kundi marami raw dance group ang kasali sa concert.
Kaya, inulit ang tanong kung isa ba roon ang G-Force?
“Wala,” direktang sagot ng bagong Kapuso artist.
Sa sagot ni Matteo, may isyu talaga kina Sarah at Teacher Georcelle.
May sitsit kaming nakalap na ang gusto raw kasi ni Sarah ay samahan ng iba pang dance group ang concert, eh di yata pumayag si Teacher Georcellle.
Nagpasabi umano ito na kung meron pang ibang dance groups na kasali, ipu-pull out na lang daw niya ang kanyang G-Force.
***
HANGA si Rosanna Roces sa ugali ng Megastar.
HIndi raw niya inaasahan na magiging close sila ni Sharon Cuneta mula nang nagkasama sila sa FPJ’s Ang Probinsyano.
Taliwas sa inaakala ng iba na mayaman at mataas ang kinalalagyan ng Megastar, ito pa raw ang nagpapakumbaba sa mga nakakahalubilong tao.
Aminado si Osang na isa si Sharon sa mga artistang kanyang hinahangaan.
Isa raw ang Megastar sa kahanga-hangang celebrity na may pagpapahalaga sa mga taong nagugustuhan at nagiging kaibigan nito.
“Kaya nga dun ako nagtataka sa tao na ‘yun. Kung inaakala niyo na ganon siya kayaman, ganon siya kataas, hindi. Siya ang bababa sa lugar mo para entertainin ka, para kaibiganin ka. Saka ‘yung tao na yun pag ayaw niya sa’yo, ayaw niya sa’yo. Pero ‘pag nagustuhan ka niya ay naku, sobra naman talaga.”
“Siya ang bababa sa lugar mo para kaibiganin ka,” pakli ni Osang.
Ito ang pahayag ni Rosanna nang interbyuhin siya ni Morly Alino.