Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
SA post tungkol sa kanyang travel lately sa Napa Valley sa Oakville California kung saan binisita niya ang pamosong Robert Mondavi Winery, hindi napigilang sitahin si Dominic Roque ng isang IG user na may handle na @minaacao.
Sey ng detractor: “Si Dom talaga. Ever since mas vocal support sa friends kesa kay Bea…Nakakatampo! Eme. Pahingi naman kahit isang story nung theater play ni Bea. Post ka naman minsan ng di throwback huhuhu.”
Ang punto ng netizen ay hindi man lang ito nagpo-post tungkol sa naging partisipasyon ng kanyang girlfriend na si Bea Alonzo sa “Contra Munduum” o “Larawan: The Concert” na gumanap ang aktres bilang socialite na Elsa Montes.
Pakiramdam tuloy ng basher, hindi proud o di sinusuportahan ni Dom ang pagsabak sa teatro ng nobya.
Resbak naman ni Dominic sa basher: “@minaacao wala kang alam.?? Godbless you.??”
Kinuyog naman ng BeaDom fans ang nasabing basher dahil sa pagkakasopla rito ni Dominic.
May nagpatotoo pa na naroon daw ang actor sa preview ng nasabing first theatrical project ng kasintahan.
Ang siste nga lang daw ay hindi ito nagpo-post.
Gayunpaman, hindi raw naman batayan ang pagpo-post para sabihing hindi niya sinusuportahan ang Kapuso actress.
Dahil nakatanggap ng batikos ang nabanggit na basher, nagpaalala pa si Dominic sa kanyang succeeding post.
Aniya: “Hiii guys, nothing to explain here.?? if walang ALAM yun mga nagcocomment, wag mag comment ng kung ano ano iniisip.?? Andaming OPINYON. isarili nalang kung NEGATIBO.
Block nlang mga EPAL. Spread LOVE, not hate or NEGATIVITY. ikli ng buhay.
Godbless.????”
Ito naman ang ilang komento ng mga kapanalig ni Dom.
“not everything should be said and done to public to show how much you love someone..there’s this thing called many forms of love languages no need to show off ..what’s matter is the genuineness of them both.”
“Ganyan ang wlang alam pg wlang post wlang likes wlng comment puputak n toxic n tao kasi nga wlang alam doms hahaha itag mo dw kasi xa pg ngpost k para alm nya at updated xa palgi kasi nga ng aabang xa s media post mo diba @minaacao ???????”
Maliban sa kanyang passion sa photography at videography, si Dominic ay CEO ng kanyang social media agency na Black Peak Hypermedia.
Bukod pa rito, celebrity endorser din siya ng Laguna Lake Advocacy Awareness.