Advertisers

Advertisers

Top nine young artists, ipinakilala sa “The Voice Kids

0 114

Advertisers

Ni MERCY LEJARDE

MAS tumitindi ang kompetisyon sa pagitan ng mga batang mang-aawit dahil nakuha nina Coach KZ, Bamboo, at Martin ang kanilang nangungunang tatlong contenders para sa live semi-finals ngayong weekend sa “The Voice Kids.”
Sa Sing-offs, na nagtapos noong Linggo (Mayo 7), pinili ni coach KZ sina Xai Martinez, Leira Raynes, at Marc Antilion.
Lalaban sa kompetisyon ang all-girl group ng Kamp Kawayan ni Coach Bamboo na sina Princess Canete, Sab Paica, at Shane Bernabe.
Samantala, pinili ni coach Martin sina Giuliana Chioing, Patricia delos Santos, at Rai Fernandez bilang mga kinatawan ng MarTeam sa live semi-finals.
Simula noong Sabado (Mayo 13), bibigyan na ng kapangyarihan ang publiko na pumili ng final three na tutungo sa grand finals.
Para bumoto, gumawa ng account sa pamamagitan ng joinnow.ph/tvk5. Mahigpit na nagpapatupad ang “The Voice Kids” ng isang (1) boto bawat koponan sa isang account lamang.
Sino ang aalis at sino ang mananatili para sa grand finals? Alamin sa “The Voice Kids” lamang sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, iWantTFC (weekends simula 7 pm) at TV5 (Saturdays simula 7 pm, Sundays simula 9 pm).
“TV Patrol,” napapanood na rin sa TikTok
Maghahatid ng mga balita at trending na mga kwento ang “Patrol ng Pilipino” ng ABS-CBN News sa pamamagitan ng mga vertical short-form na video na mapapanood sa Facebook, Instagram, TikTok, at YouTube.
Layunin ng “Patrol ng Pilipino” na maabot ang mas maraming audience at magdala ng mga content tungkol sa mga trending na balita, at araw-araw na kwento ng pag-asa at inspirasyon.
Bukod sa paghahatid ng mga balita, tampok rin sa “Patrol ng Pilipino” ang mga makabuluhang explainers, mga feel-good na panayam sa kalye, at mga behind-the-scenes footage sa pagbabalita.
“I’m excited to see the people behind the camera being labeled as Patrol ng Pilipino too for they are all part of this mobile and social media journalism,” sabi ni Loreto Laurence Aguilar sa Facebook.
“Ang cutie talaga ng concept nitong #PatrolngPilipino, mabilis nag pababalita na madali lang din maintindihan,” sabi ni Twitter user @ALTiwantTFC.
Samantala, nasa TikTok na rin ang flagship news program ng ABS-CBN News na “TV Patrol,” kung saan mapapanood dito ang mga reports at mga orihinal na napapanahong content.
Huwag palampasin ang mga trending na balitang hatid ng “Patrol ng Pilipino” sa Facebook, Instagram, TikTok, at YouTube. Maaari ring i-follow ang “TV Patrol” sa TikTok.