Advertisers

Advertisers

Jake di pa priority ang lovelife; Michelle bagong Ms. Universe Philippines 2023

0 183

Advertisers

Ni NOEL ASIÑAS

JAKE Cuenca umaming nagagandahan kay Chie Filomeno pero hindi niya raw priority ang love life sa ngayon. Pinagtutuunan niya ng pansin ang career bilang actor. Mas pagtutuunan din niya ang sarili. Daming nakalinyang projects ngayon kay Jake.
Tulad kahapon, Sunday, May 14, ang simula ng first sitcom nila ni Sue Ramirez, ang Jack and Jill, sa TV5, 6pm. May stage play, movies at teleserye na naka-schedule na gawin. Sabi ng manager nitong si Neil De Guia, ang alaga niyang si Jake sa ngayon ay super focus sa work.
***
INAMIN din ni Jake, after ng pakikipaghiwalay sa dating gf (Kylie Verzosa) gusto niyang makahinga muna nang mabuti sa buhay.
Ilalaan daw muna niya sa work ang lahat. Parang rebirth ng career niya na sunud-sunod ang ginagawa.
***
SI Michelle Marquez ang bagong Miss Universe Philippines 2023 na ginanap sa Mall of Asia Arena, Pasay City. Si Michelle ay eldest daughter of former Miss International 1979 Melanie Marquez. Samantalang father niya ang actor/producer na si Derek Dee. Huling napanood si Michelle sa teleseryeng Urduja ng GMA 7.