Advertisers
Ni JOVI LLOZA
SA 20th Anniversary ni Sarah Geronimo sa showbiz ay nagkaroon ito ng sold out concert sa Araneta kamakailan.
‘Yung di pa nagaganap ang tampuhan sa magkakapamilya dahil sa paglihim ni Sarah ng pagpapakasal kay Matteo Guidicelli.
Madalas mamataan ang magulang ni Sarah sa lahat ng kanyang concert, nag-ugat lang at di na nagsidalo ang magulang nang magkaroon ng sigalot sa pagitan nila ni Sarah.
Ang concert nito kamakailan ay inisnab na ng kanyang magulang.
Sa kanyang tribute sa ama ay naging emosyonal si Sarah at inalala ang pagtuturo sa kanya nito kung paano mag-perform.
At ang ama rin ang nagturo sa kanya kung paano maging malakas at lumaban sa buhay kaya nang awitin niya ang Habang May Buhay ni Wency Cornejo ay nag “I Love You’ pa si Sarah sa kanyang Daddy Delfin at Mommy Divine na mahal na mahal niya.
***
‘Voltes V’ vs ‘Batang Quiapo’ pukpukan sa ratings at YouTube views
HANGGANG ngayon ay mainit pa ring pinag-uusapan ang pukpukan sa rating at views ng magkatapatan na sci fi series na Voltes V at Batang Quiapo.
Dati sa Ang Probinsiyano na si Carlo Dalisay ay walang nangahas na kalabanin ang promdi police.
Sa takot na kalabanin at tapatan ay umabot na nga ito ng 7 o 8 na taon sa ere.
Nang isilang ang Batang Quiapo nagkampante naman si Coco na walang tatapat dito. Pero isinilang muli ang kinagiliwang anime noong 70’s na Voltes V na pantapat ngayon sa Batang Quiapo.
Maganda ang mga feedback at tila feel na nila ang Voltes V legacy anime series ng GMA-7.
Tanong ngayon, ano kaya ang hahataw sa TV rating at maraming views sa You Tube sa dalawang program na nagpupukpukan.
Well, well, well… Yun na!