Advertisers

Advertisers

Mestisang aktres chumaka at tumanda nang magparetoke; Sarah naiyak nang kumanta para sa ama

0 142

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

IPINAGDIWANG ni Sarah Geronimo ang kanyang ika-2Oth anniversary sa showbiz sa pamamagitan ng isang concert na ginanap noong Friday, May 12, sa Smart Araneta Coliseum.
May bahagi ng concert kung saan nagbigay si Sarah ng tribute para sa amang si Delfin na talaga namang nagpaiyak sa audience. Ito ay nang maghandog siya ng awiting Habang May Buhay.
Intro niya, ” I would like to honor the first person who saw my potential. Siya po ‘yung unang taong nagtiwala po sa aking talento, na binigay ng Diyos sa akin. He taught me to dream big. Ang kaniya pong pagmamahal sa musika has greatly influenced me.
“Yung mga musika po niya na pinapatugtog every Sunday has introduced me from different kinds of music from the classic. Frank Sinatra, Johnny Mathis, Tom Jones, The Beatles, Elvis Presley, The Beegees. To the popular divas like Whitney Houston, Celine Dion and of course King of Pop Michael Jackson. He taught me to work hard.”
Ang ama raw ang nag-train sa kanya pagdating sa pagkanta.
“Naalala ko po every morning at 9 o’clock babangon na po kami para mag-ensayo. Pinapaakyat po niya ako sa lamesita namin at pinapakanta niya ako. ‘Yun po ang stage para sa akin. Ang gamit ko po no’n ay original casette tape at hindi multiplex kaya po nagagaya ko minsan ang original singer.
“Mahina po kasi ang loob ko. Siya po ang nagturo sa akin na maging matatag, maging malakas lalaung-lalo na sa pagharap ng laban sa buhay. Tatay Delfin, mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita. Para sa iyo ‘to tay. I love you daddy.
Habang kumakanta ay hindi napigilan umiyak ni Sarah, at kitang-kita ang pagiging emosyonal niya dahil ipinapakita ang mga larawan nila ng ama sa malaking LED sa background. Mga larawan nila ng pamilya kasama si mommy Divine mula noong bata siya hanggang sa mga sandaling magkakasama pa sila.
Matapos ang awitin ay sinambit ni Sarah ang mga katagang “I love you ma! I love you daddy.”
Sana sa pamamagitan ng tribute na binigay ni Sarah para sa kanyang tatay Delfin, at pagsabi ng I love you Ma sa kanyang mommy Divine, maging dahilan ito para magkaayos na sila.
***
MARAMING nagtaka sa mga entertainment press (EP), nang makita at makausap nila ang isang not-so-young actress (NSYA) sa isang media conference. Napansin daw kasi nila na nagbago ang mukha nito. Halata raw na nagparetoke.
Tumangos daw lalo ang ilong nitong si NSYA, at ang lips at pisngi ay nag-iba na rin daw ang histura. Hindi naman daw ganoon ang hitsura nito rati. Kaya talagang naging topic siya ng usapan ng EP.
Maganda naman daw itong si NSY. Pero dahil nga halatang may ipinabago sa mukha, kaya nag-iba na raw ang histura nito.
Ang napansin lang ng EP, imbes na mas lalong gumanda, kabaligtaran daw ang nangyari. Pumangit daw sa tingin nila itong si NSYA. Nagmukha nga raw itong matanda na.
Hindi pa namin ulit nakikita si NSYA, kaya hindi namin masasabi kung nagparetoke nga ba siya. ‘Pag nakita namin siya ulit, doon lang kami makakapag-comment kung may nabago nga ba sa mukha niya.
In fairness sa NSYA, isa siya sa may pinakamagagandang mukha sa showbiz. Pero kung totoo man na nagawa pa rin niyang magparetoke, choice naman niya ‘yun. Siguro, gusto niya lang na mas lalong gumanda.
Pero ayun nga, mula sa mga nakausap naming EP, nagmukha siyang matanda ngayon.
Sana ay ma-interview ulit namin si NSYA para malaman namin kung may nabago nga ba sa mukha niya, at kung talaga bang nagmukha na siyang matanda ngayon.
Sino si NSYA? Mestisa siya.