Advertisers

Advertisers

Bentahan ng tuna na nilalagyan ng dugo ng baboy, buking!; mga moro umalma

0 105

Advertisers

AGAD ipinasara ng local government unit sa General Santos City ang apat na puwesto sa isang palengke na ang mga may-ari ay nagbebenta ng mga pira-pirasong Yellow Fin at Blue Fin tuna na pinunasan ng dugo ng baboy upang magmukhang sariwa.

Inanunsyo ng General Santos City government na pinatigil nila sa pagbebenta ang mga may-ari ng naturang tuna stalls habang isinasailalim sila sa masusing imbestigasyon para sa kaukulang parusa para sa mga ito.

Nakumpirma sa isang sorpresang pagsiyasat nitong nakalipas na linggo ng mga law-enforcement personnel ng city government at mga opisyal ng General Santos City Market Vendors’ Association ang masamang gawain ng mga may-ari ng tuna stalls sa palengke.



Isinagawa ang surprise inspection batay sa sumbong ng mga nakadiskubre ng estilo ng mga may-ari ng apat na tuna stalls.

Kilala ang General Santos City bilang “tuna capital” ng bansa dahil sa presensya ng daan-daang lokal na mga mangingisda na dito dinadala ang mga Blue Fin at Yellow Fin tuna na kanilang nahuli sa malalim na karagatan sa hangganan ng Pilipinas at Indonesia.



Umalma ang mga residenteng Muslim sa lungsod na nakabili ng tuna sa naturang apat na puwesto. Pansamantalang hindi pinangalanan ng General Santos City LGU ang mga may-ari para sa kanilang seguridad.

May nakumpiskang dugo ng baboy na nakasilid sa maliit na plastic bag ang mga empleyado ng LGU na nagsagawa ng inspection sa puwesto ng isa sa apat na mga negosyante.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">