Advertisers
PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang Commencement Exercises ng Philippine Military Academy (PMA) ‘MADASIGON’ (Mandirigmang May Dangal Simbolo ng Galing at Pagbangon) Class 2023 sa Fort General Gregorio Del Pilar sa Baguio City nitong Linggo, Mayo 21, 2023.
Sa kanyang kauna-unahang pagdalo sa PMA graduation bilang Commander-in-Chief, si President Marcos din ang nanguna sa awarding rites para sa 310 graduating cadets na kinabibila- ngan ng 238 lalaki at 72 babae.
Ang mga bagong kadete ay ide-deploy sa tatlong sangay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kungsaan 158 ang papasok sa Philippine Army (PA), 77 sa Philippine Navy (PN), at 75 sa Philippine Air Force (PAF).
Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil, sa 310 cadets, si Cadet 1CL Warren Leonor, tubong Lipa City, Batangas, ang itinanghal na valedictorian ng klase.
Nasungkit din ni Leonor ang iba’t ibang parangal tulad ng Presidential Saber mula kay Pangulong Marcos.
Dagdag pa ni Garafil, si Leonor ay lalahok sa PAF. (Gilbert Perdez)