Advertisers
TODAS ang isang 72-anyos na albularyo nang hampasin ng dos-por-dos na kahoy ng pasyenteng humihilab sa sakit ng tiyan sa Sitio Pappalang, Barangay Camandag, Ambaguio, Nueva Vizcaya.
Kinilala ang salarin na si Jonas Ollani, 36 anyos; habang ang biktima ay si Blacio Lindawan, magsasaka at residente ng Sitio Pappalang.
Sa report, inimbita ni Ollani ang biktima na magsagawa ito ng “Baki Ritual” sa tahanan nito dahil sa hindi umano maipaliwanag na pagsakit ng kaniyang tiyan at katawan.
Nang isasagawa na ng biktima ang ritwal, bigla na lamang itong inatake ng salarin.
Gamit ang kahoy, pinagpapalo nito ang albularyo dahil sa naganap na mainit na pagtatalo sa pagitan ng mga ito.
Pagkatapos ng insidente, tumakas si Ollani patungong Sitio Cablahan, Ammoweg, pero nadaakip din ito ng pulisya. (Rey Velasco)