Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
SA panayam ng New5 sa Pambansang Bae na si Alden Richards, iginiit niya na nananatili ang kanyang loyalty sa mga haligi ng Eat Bulaga na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon, na kilala rin sa tawag na TVJ.
Kaya naman nang magpaalam na ang tatlo sa Tape Inc., na producer ng Eat Bulaga, nag-resign na rin siya sa nasabing noontime show.
Aminado naman kasi si Alden na malaki ang utang na loob niya sa mga ito dahil isa ang Eat Bulaga sa naging dahilan kung bakit siya sumikat at ang dating loveteam nila ni Maine Mendoza, na kilala sa tawag na AlDub.
Mensahe ni Alden para kina Tito, Vic and Joey,“To TVJ, know that kahit ano pa man ang mangyari, my loyalty, ‘yung sarili ko is for them… regardless.
“I’m always looking back dun sa mga taong nakatulong sa akin nang malaki.
“I think I have the right to defend that. And that’s my stand because malaki po ang utang na loob ko sa kanila, and my support for them will go until the end of times.
“Malaki po ang pasasalamat natin sa Eat Bulaga.”
Wala si Alden nang nagpaalam sina Tito, Vic, at Joey, sa pamamagitan ng Facebook Live at YouTube, sa loyal viewers ng Eat Bulaga! noong May 31, 2023.
***
FROILAN AT PIWEE WALA PA RING KUPAS SA PAGKANTA
NAGING bisita namin sa aming birthday celebration noong May 30 ang dalawang member ng sikat na sikat na boy band noong 90s na Jeremiah, na sina Piwee Polintan at Froilan Calixto.
Siyempre pa, kinanta nila ang signature song nilang Nanghihinayang, na talagang sikat na sikat nu’ng i-release ito noon. At hanggang ngayon ay naririnig at pinapatugtog pa rin sa mga FM stations at paboritong kantahin sa mga videoke. Kaya kahit mga millennial ay alam ding kantahin ang Nanghihinayang.
Sumabay kami ng aming mga bisita sa pagkanta ng Nanghihnayang. Alam namin siyempre ang nasabing awitin, na ang ganda ng lyrics at melody.
After kantahin nIna Piwee at Froi ang Nanghihinayang ay nag-more kami. Nagustuhan kasi namin ang pagkanta nila. Walang pagbabago sa kanilang boses, walang kupas pa rin sila sa pagkanta pagkatapos ng maraming taon.
Ang sumunod na kinanta nina Piwee at Froi ang isa pang hit single nila na Basta’t Ikaw, na sinabayan din namin ng pagkanta.
To Froilan and Piwee, maraming salamat sa pagpunta sa nagdaan naming kaarawan at sa pagpapaunlak ng dalawang awitin.