Advertisers

Advertisers

Coco bida sa bagong “Batang San Miguel” TVC

0 182

Advertisers

MAHALAGA ang naging ambag ng San Miguel Pale Pilsen sa kulturang Pilipino mula noon at hanggang ngayon. Patuloy na pinagbubuklod ng iconic beer ang mga magkakaibigan at magkakapamilya habang patuloy na nagtataguyod ng husay at galing ng Pilipino.
Patuloy na naghahatid ng natatanging produkto at palagay, nakipagtambalan ang San
Miguel Pale Pilsen sa kapareho nitong iconic na aktor, direktor, at film producer na si Coco Martin.
“Honestly, sobrang humbled and proud ko talaga kasi pag sinabing San Miguel Pale Pilsen napaka-iconic ng lahat ng nagdadala ng brand na ito,” banggit ni Coco.
Kilala ng marami bilang “ultimate superstar,” patuloy na umaani ng suporta at papuri si Coco dahil sa kanyang mga nakamit sa industriya. Tinagurian siyang “most awarded actor of his generation” at isa sa mga “top earning actors of the last ten years” sa loob ng higit na dalawang dekada niyang karera. Tumanggap si Coco ng parangal mula sa Gawad Urian Awards noong 2011 bilang “Actor of the Decade” dahil sa kanyang natatanging kontribusyon sa mundo ng showbiz.
Naniniwala si Coco na nakamit niya ang kanyang mga tagumpay dahil sa tiyaga at walang sawang dedikasyon sa trabaho.
“Ang pinaka-importante sa akin ay hard work. Ang gusto ko, mula sa pinakamababa hanggang sa taas, tatrabahuhin ko.
Pagsisikapan ko ‘yan dahil importante sa akin ang kalidad ng trabaho,” sabi ni Coco.
Ang kanyang pagpupursige sa paggawa ng mahusay na trabaho ang katangian ni Coco na swak bilang bagong mukha ng San Miguel Pale Pilsen na kilala sa buong mundo sa kalidad at katangi-tangi nitong produkto.
“‘Yan ang katangian na nakikita kong meron sa San Miguel Pale Pilsen, ‘yung kalidad na maipagmamalaki natin noon hanggang ngayon. Kahit ilaban pa ‘yan sa ibang bansa,” wika ni Coco.
Bibida si Coco sa kanyang kauna-unahang San Miguel Pale Pilsen TVC na may temang “Batang San Miguel,” isang kataga na pamilyar sa mga tagasubaybay ng sikat na beer. Ipakikita ng TVC ang impluwensya ng San Miguel Pale Pilsen sa iba’t ibang henerasyon ng Pilipino bilang parte ng matatag at di malilimutang samahan.
“Ito na ‘yung nakamulatan ko. Bata palang ako, sa mga lolo at sa tatay ko palang, everytime na may okasyon, may kasiyahan, o bonding ng pamilya, may San Miguel Pale Pilsen. Parte na ‘yan ng kulturang Pilipino. Kaya nga sabi natin, Sarap Laging Kasama,” kwento ni Coco.
Panoorin si Coco sa kanyang bagong San Miguel Pale Pilsen TV Commercial na “Batang San Miguel.” Bumili ng San Miguel Pale Pilsen sa mga suking sari-sari store, supermarket, grocery, at convenience store, o sa SMB Delivers gamit ang 8632-BEER (2337) o www.SMBDelivers.com.