Advertisers

Advertisers

Piolo muntik nang maging pari

0 234

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

MALAKING hamon para sa magaling na aktor na si Piolo Pascual ang gumanap na pari sa pelikula.
Katunayan, noong 18 years daw siya ay pinangarap niyang maging pari.
“I wanted to be a priest, I was I think, 18, I attended the seminar. I remember, I had aconversation with a priest and I told him, gusto ko sanang mag-pari na lang para mas madali ang buhay. And then he said, ‘you have to be a college graduate,’” pagbabalik-tanaw niya.
Sa paglipas ng panahon, noong maging Kristiyano raw naman siya ay ninais niyang maging pastor.
“I told my Pastor the same thing, “pwede bang mag-Pastor na lang ako para mas madali rin ang buhay.’ Sabi niya, ‘no, we need people like you in the business,” ani Papa P.
Gayunpaman, na-realize raw niya na itinadhana siya sa ibang bagay at hindi nakaguhit sa palad niya ang maging pari.
Wala raw naman siyang regrets na sa showbiz siya napadpad.
Katunayan, itinuturing daw niyang passion ang pagiging actor, ang propesyong napamahal na sa kanya.
First time na gagawa ng horror movie si Papa P gaya ng Mallari.
Ito rin ang most challenging role niya to date dahil tatlong karakter ang gagampanan niya.
“Portraying three roles is not an easy task especially with three different timelines, so I’m just very excited for this. I’m just so happy with the production and I guess on the same page, we have a good film and a good story to tell, so I’m just gonna ride with them,” bulalas niya.
Ito rin daw ang pinaka-complex at dark role na binigyang buhay niya.
Taliwas sa kanyang wholesome, matinee idol at ultimate leading man image sa rom-com movies at series na nagawa niya, handa na rin siyang baliin ang kanyang imahe sa kanyang first horror movie.
“It’s a good challenge for me.I guess, in all the things that I’ve done for the last two decades, I always look for something that would ignite my passion for what I do. And this is it,” aniya.
“I’m sticking forward to doing something that would test me, my capacity as an artist and as an actor ….and still how can I get there in terms of the roles that I’m portraying, ” dugtong niya.