Advertisers

Advertisers

MVP… MAY HIRIT SA “EAT BULAGA” ISSUE…

0 213

Advertisers

MUKHANG Most Valuable Player (MVP) ang dating ni business magnate MANNY V. PANGILINAN , same initials, MVP, sa trending issue ng “EAT BULAGA”,44-year top noontime TV show by global mileage.

Si MVP ang big boss ng MERALCO at NLEX sa top professional league PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION (PBA) na owner din ng TV5 Network at SMART Telecommunications Company.

“Mahal Ng Pilipino Ang Basketball, bakit namin tatalikuran? Mahal rin ng Pilipino Ang (TVJ) Eat Bulaga kaya bakit namin tatalikuran?” Hirit ni MVP.



Nabulaga ang Pinas sa surprise resignation ng pamosong celebrity trio nina TITO SOTTO, VIC SOTTO at JOEY DE LEON (TVJ) sa TAPE Inc., (owned by JALOSJOS family) producer ng “EAT BULAGA”na ilang dekada nang institusyon sa pagpapasaya at pagtulong sa masang Pinoy. Nagsimula Ang TVJ na dekada na ang stint nang pumasok ang TAPE.

Ang isyu, sisipain ng TAPE ang TVJ at papalitan ng bagong hosts pero sumama ang DABARKADS o buong cast ng programs at kumalas lahat sa TAPE. Umeere pa rin ang show dala ang titulong “EAT BULAGA” at group name “DABARKADS”. orihinal at pinasikat ng TVJ for over 4 decades.



Main hosts sina BUBOY VILLAR. PAOLO CONTIS BETONG SUMAYA at twins MAVY and CASSY ni CARMINA VILLAROEL with ex-Manila Mayor/presidential bet FRANCISCO “ISKO” MORENO DOMAGOSO. Umabot sa korte ang ‘agawan ‘ sa “EAT BULAGA”. original at brain child ng TVJ, lihim na inirehistro ng TAPE nang iprodyus Ang show.

DELICADEZA. KABUNTOT NG ISYU
HIRIT ng bash ang milyong followers ng “EAT BULAGA” sa hosts na pumalit sa TVJ at DABARKADS kabuntot ang isyu ng DELICADEZA. karugtong ang mga terminong “ HUDAS”. “TAKSIL” at “WALANG UTANG NA LOOB”. na sinasagot basically ng “TRABAHO LANG PO”.



Giving chances to new hosts, reprogramming or whims of BULET and JON JALOSJOS may be fine, pero ang dating ay nang-aagaw ng credit at karapatan . Pwede naman gumawa ng show sa new title instead na mabatuhan Ng isyung “pagnanakaw ng karapatan”. In our own point of view. kahanga-hanga pa sa masa kung di aangkinin ang ‘EAT BULAGA”. Hindi kailangang sumakay forever. So there.

***

KAHIT malakas sa social media partikular sa FaceBook. Kailangan ang TV Network at nanguna ang TV5 sa TVJ camp. Kumpirmadong eere na ang TVJ show sa Kapatid Network sa July. For sure,mas.uugong ang MVP Network, regardless kung ano title. Sa tangkang pagligwak sa TVJ at pag-angkin sa “EAT BULAGA” ng other team, si big boss MANNY V. PANGILINAN na nga ba Ang tumatayong MVP na magsasalba sa “bola” ng Team TVJ ? SUPER EXCITING!

***

HAPPY BIRTHDAY to VILLAMOR “ BAMBAM” LAGASCA of Public Information Office, Mandaluyong LGU, to GLENDA RODRIGO DELA CRUZ of Caloocan City, CHERYL PENTOJO ADIO of Rizal, Sir GABRIEL SUPANG of AUPC and KURT JOMAR MEJALA of Mandaluyong City. HAPPY READING!