Advertisers

Advertisers

Laging maaraw ang buhay ni barangay ofc’l sa Las Pinas

0 161

Advertisers

Sa kabila ng panahon “tag-ulan” ngayon, kakaiba ang nararamdam panahon nitong isang barangay official sa Las Pinas City. Bakit kamo. Kakaiba ang panahon sa kabila nga ng lahat, dahil maaraw sa ingles “sunny” ang lingguhan buhay nitong barangay official. Barangay Official? So maaring Barangay Chairman ito o Kagawad?

Paano nangyaring parating maaraw o sa ingles “sunny” ang lingguhan buhay ni Barangay Official? Paano po kasi, tiba-tiba siya sa lingguhan regalo sa kanya ng isang nagpapatakbo ng jueteng sa lungsod kapalit ng pagbibigay proteksyon. Isang alyas Es Mer ang nagpapatakbo ng jueteng sa lungsod.

Sa madaling salita, dahil sa parating maaraw o sunny day ‘ika nga ang linggo ni Mr Barangay Official, lumalabas na sinisira lamang nito ang magandang imahe ng lungsod na pinakamamahal ni Mayora Imelda Aguilar.



E sino ba itong Barangay Official na parating maaraw o sunny ika nga sa ingles ang kanyang weekly life? Ulit, maaring ang barangay official ay isang Barangay Chairman o Kagawad. Tama! Pero ang tanong ay sino ba ang mas may kakayahan sa pagbibigay proteksyon sa mga maghuhuweteng?

Pero ano pa man, gusto niyo ba malaman Madame Mayora kung sino itong barangay official na parating maaraw o sa ingles ay sunny, ang kanyang buhay sa kabila ng tag-ulan na?



Aba ma’am, konting ikot lang ng upuan at agad mong matutukoy kung sino ang tiwaling opisyal na ito dahil panay ang dikit sa iyo para naman bumilib sa kanya ang jueteng operator.

Oo nga pala kaya laging maaraw ang linggo ng barangay official ay dahil tumatabo si barangay official ng daan-daang libong piso weekly bilang protection money. At ang nagpaparating ng protection money ay ang mga jueteng operator na sina alyas Es Mer at partner niya si alyas Onie.



Kaya, sa nalalapit sa halalan para sa barangay, hindi na problema kay barangay official ang pondo para sa pangampanya niya. E sino nga ba itong barangay official? Ah basta, sino ba ang mas may kakayahan magbigay proteksyon sa mga maghuhuweteng? Hahaha..basta ang sabi ng alaga kong bubuwit ay parating maaraw o sa ingles ay sunny ang weekly life ni barangay official.

Hay naku Mayora, sayang naman ang pagpapagod mo sa paglilingkod sa Las Pinas na gusto mo sanang ayusin para sa kapakanan ng mga mamamayan kung may local official na sangkot sa illegal gambling sa loob mismo ng iyong bakuran.

Paki aksyonan na lang po ito Madame. Naniniwala ang inyong mga konstituwent na galit kayo sa jueteng at lalo na sa mga local official na nagiging salot sa buhay ng mamamayan lungsod.