Advertisers

Advertisers

Mag-ingat! Biktima ng ‘Canada job’ scam lumolobo

0 172

Advertisers

NAGLABAS ng bagong babala ang National Bureau of Investigation (NBI) laban sa big-time illegal recruiter na patuloy na nanlilinlang sa kanyang mga biktima na magbayad ng daan-daang libong piso sa non-existent employment sa multi-national na kompanya sa Canada.

Binalaan ng NBI Anti- Organized Crime and Transnational Division (NBI-AOCTD) ang publiko dahil mas dumagsa ang nagsampa ng mga reklamo laban kay Luzviminda Lucena Panzuelo, presidente ng Luzvimin International Training Center Incorporated and Assessment Center na nakabase sa Caloocan City.

Si Panzuelo, na naging subject ng iba’t ibang warrant of arrest, ay nangako sa kanyang mga kliyente na magtatrabaho sa malalaking kompanya tulad ng Coca-Cola at Total gas companies na hindi bababa sa $10,000 o katumbas ng P500,000 ang buwanang suweldo.

“More complainants have come forward the have given her hundreds of thousands of money with the promise for the jobs in big companies abroad. We urged the applicants to check with the proper government authorities to check the legitimacy of the job offer,” ayon kay Chief agent Jerome Bomediano.

Ibinahagi ng mga biktima sa kanilang sinumpaang reklamo sa NBI na nagbigay sila kay Panzuelo ng `hundreds of thousands’ cash. Sa kagustuhang makaalis, ibinenta pa ng ilan ang kanilang mga ari-arian at nangutang sa mga kamag-anak at lending company para matugunan ang “cash demand” ni Panzuelo.

Nagtiwala at nalansi, anila, sila ni Panzuelo dahil may pinakita itong opisina at mga dokumento ng mga Pinoy na tinulungan umano ng kanyang kompanyang makalikom ng malaking suweldo galing ibang bansa.

Si Panzuelo ay dinakma noong Abril ng NBI-AOTCD sa pangunguna ni Agent Darwin Francisco sa loob ng POEA building sa Ortigas matapos itong positibong kilalanin ng isa niyang biktima.

Binuking ni Francisco na walang lisensya si Panzuelo mula sa Department of Migrant Workers para mag-recruit ng mga manggagawa pa-abroad.

Sinabi ng NBI na may mga nakabinbing kaso si Panzuelo sa iba’t ibang korte sa Metro Manila kabilang ang non-bailable offense na illegal recruitment.