Advertisers
Ni BETH GELENA
SI Ricci Rivero ang guest sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Monday, June 26.
Maraming tinanong si Kuya Boy sa ex-boyfriend ni Andrea Brillantes.
Like kung totoo bang si Leren Mae Bautista ang third party sa hiwalaysn nila ni Andrea.
Pinabulaanan naman ito ng basketball player-actor na una na rin namang itinanggi ng konsehala ng Los Banos, Laguna.
Bakit daw hindi nila agad pinaalam sa publiko ang kanilang break-up.
Ayon kay Ricci, mutual decision daw nila na i-keep muna ang lahat. Pero, siya naman ang unang nagsalita sa social media.
Sa usap-usapan namang ginawa lang niyng trophy girlfriend si Andrea.
Ani Kuya Boy, “Ricci, ‘yung mga usap-usapang ginamit mo si Andrea Brillantes, trophy girlfriend, para ikaw daw ay sumikat, anong nais mong sabihin?”
“Kung ginamit ko po siya, marami pong offers ang ABS-CBN na sitdown interviews with her, shows with her. Simula po nung naging kami, never po ako nag-yes, lahat po nag-beg off ako. Kasi ayaw ko rin naman pong parang i-connect ‘yung trabaho sa personal relationship ko.”
Klinaro pa niya na ang feelings sa young aktres ay genuine
“Sa akin sobrang genuine ng lahat eh. Wala sa isip ko yung mga ganyang bagay kasi minsan lang ako mag-girlfriend eh, bakit sa ganyang paraan ko pa naman gagawin?”
Naputol ang interview kay Ricci dahil nagkaroon ng technical problem.
***
BLYTHE MAY PARINIG, ‘MISS NA DIN KITA MAHAL KO!’
Ibinahagi ni Andrea Brillantes ang kuha niyang video habang nanonood ng concert ni Bruno Mars kamakailan.
Sa video ay makikitang masayang-masaya si Andrea habang nanonood.
Kasamang nanood ng aktres ang kaibigang singer-songwriter na si Adie.
Ang caption ni Blythe sa video, “One of the best concerts ever, everyone deserves to go to a Bruno Mars concert even just once!”
Dinagdagan pa niya ito ng “Miss na din kita mahal hihi,” at saka tinag ang foreign singer.
Teka lang Blythe, para nga ba kay Bruno ang sinabi mo o para sa ex mong si Ricci Rivero?
Just asking!!!
***
How true…
TVJ LEGIT DABARKADS HINDI LIVE SA JULY 1
Excited na ang televiwers sa tatlong noontime show na mapapanood sa Monday, July 1 — ang pagbabalik sa ere ng TVJ (Tito, Vic and Joey), ang original hosts ng Eat Bulaga.
Balik noontime show na ang mga legit Dabarkads sa July 1 na pinangungunahan ng TVJ, ang trio icon, Jose Manalo, Wally Bayola, Ryan Agoncillo, Paolo Ballesteros, Allan K, Maine Mendoza, Ryzza Mae Dizon at ang isa pang girl na nakalimutan namin ang name.
Samantala, mag-uumpisa na ring mag-lipat bahay ang It’s Showtime simula July 1 sa GTV at ang iiwan nilang slot na 12 noon sa TV5 ay ookupahin na ng TVJ.
Wala namang problema sa oras ng Eat Bulaga ng Tape sa GMA-7.
Tiyak na exciting ang tapatang ito ng 3 noontime show.
But how true ang nasagap naming isyu na hindi raw live ang TVJ Legit Dabarkads noontime show sa kanilang July 1 episode?
Totoo ba ito o may naninira lang sa kanilang pagbabalik
Well, malalaman naman yan ng mga manonood pagdating ng July 1.