Advertisers

Advertisers

Dismissal vs immigration personnel na sangkot sa ‘pastillas scheme’ pinagtibay ng Court of Appeals

0 108

Advertisers

PINAGTIBAY ng Court of Appeals ang desisyon ng Office of the Ombudsman sa pagtanggal sa ilang personnel ng Bureau of Immigration na nasangkot sa pastillas scheme.

Pero pinababa ng CA ang dismissal ng Ombudsman sa Senior Immigration Officer na si Grifton Medina sa “six month suspension without pay”.

Sa inilabas nitong ruling noong June 29, sinabi ng CA Fifth Division na mayroong “sufficient evidence” para suportahan ang dismissal kina Deon Carlo Albao, Danieve Binsol, Fidel Mendoza, at Chevy Chase Naniong dahil sa “grave grave misconduct and conduct prejudicial to the best interest of the service for their participation in the pastillas scheme”.
Ito ay hinggil sa pangongolekta ng bayad sa Chinese travelers kapalit ng ‘di na pagsusumite ng immigration requirements at procedures. Ito ay tinawag na pastillas scheme dahil ang suhol na pera ay nakabalot sa papel tulad ng pastillas.



Sinabi ng CA na walang duda na may nangyaring scheme base sa mga ebidensiya, kung paano nangyari at ginawa ang operasyon.

Binigyan nito ng bigat ang statement ng testigo na si Allison Chiong, ang immigration officer na naging bahagi rin ng scheme at siyang nagbunyag sa ginagawa ng kanyang mga kasamahan.



“That Chiong himself was involved in the pastillas scheme does not by itself destroy his credibility,” sabi nito.

Ang statement ni Chiong ay inayunan ng isa pang testigo, Jeffrey Dale Ignacio, sabi ng CA.



Pinangalanan ni Chiong sina Albao at Binsol bilang mga “boss” ng pastillas scheme, habang tinukoy niya si Mendoza bilang kanang kamay ni Marc Red Mariñas, umano’y ang top boss ng operation.

Para kay Naniong, sinabi ni Chiong na personal niya itong nakita na pinalusot ang Chinese nationals sa ordinary procedures.

Sa pagpababa sa dismissal ni Medina sa six-month suspension, sinabi ng CA na siya ay administratively liable lamang sa “simple and not gross neglect of duty” dahil nabigo itong imbestigahan ang scheme.