Advertisers

Advertisers

E-bike driver timbog sa P5.2m shabu

0 119

Advertisers

ARESTADO ang isang e-bike driver sa buy-bust operation sa Cebu city.

Kinilala ang nadakip na si Rodulf Cabigon Aguilar, 21 anyos, residente ng Barangay Ermita, Cebu City.

Ayon kay Lt. Colonel Dindo Juanito Alaras, hepe ng Drug Enforcement Unit ng Cebu City Police Office, nakuha sa suspek ang 775 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P5.2 milyon .



Sinabi ni Alaras na naaresto ang biyenan ni Aguilar noong nakaraang taon sa parehong kaso at nadiskubre nila sa surveillance na si Aguilar ang humalili sa kanyang biyenan sa illegal drug activities.

Lumabas din sa monitoring ng pulisya na kayang magbenta ni Aguilar ng hindi bababa sa 300 gramo ng shabu kada Linggo.



Sa himpilan ng pulisya sinabi ng suspek na pangalawang beses pa lang siyang magdeliver ng shabu kapalit ng P5,000 sa bawat paghahatid ng droga.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">