Advertisers

Advertisers

‘PINAS LALAYA VS. SMUGGLERS, HOARDERS — PBBM

0 43

Advertisers

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mamamayang Pilipino na magpapatuloy ang pamamahagi ng pamahalaan ng mga nakukumpiskang bigas hanggang sa maging malaya ang bansa mula sa mga ismagler at hoarder ng iba’t ibang produkto.

Sa pamamahagi ng bigas sa San Jose, Dinagat Islands, ipinunto ng pangulo na maaaring pansamantala lamang ang rice distribution pero isa aniya ito sa mga resulta ng mga inisyatibong magpapatag ng presyo ng bigas sa merkado.

Kaugnay nito, binigyang diin ni PBBM na patuloy na sinisikap ng kanyang administrasyon na mapatatag ang rice supply habang tinutugis naman ang mga hinihinalang sangkot sa pagpupuslit at pang-iipit ng bigas at iba pang mga produkto. (Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">