Advertisers

Advertisers

Sa pagkabunyag sa katiwalian sa LTFRB…PUV MODERNIZATION SUSPINDEHIN – SEN. POE

0 15

Advertisers

DAHIL sa nabunyag na katiwalian sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), umapela si Senador Grace Poe sa Department of Transportation (DOTr) na suspendihin ang pagpapatupad ng PUV Modernization Program (PUVMP) hanggang sa malutas ang lahat ng isyu rito.

Ayon kay Poe, kung nais gawing moderno ang mga PUV ay dapat naman na maging progresibo, makatarungan at makatao.

“Hindi na nga makausad ng maayos ang PUVMP dahil sa iba’t ibang isyu, nabahiran pa ng korapsyon,” pahayag ni Poe, chairman ng Senate committee on public services. “Kung totoo ang alegasyon, hindi ito makatarungan sa ating mga drayber na nawalan ng kabuhayan dahil pinaboran pala ang mga naglalagay.”



Inihirit ng senadora na dapat panagutin ang mga nagkasalang opisyal partikular sa napakakritikal na programa ng sektor ng transportasyon.

“Umaasa tayo na habang iniimbestigahan ang mga sangkot, inaayos din ang modernization program na magpapabuti sa kabuhayan ng mga drayber at magbibigay ng maayos na serbisyo sa mga commuter,” sabi ni Poe.



Una nang sinuspinde ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. si LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III sa gitna ng mga ulat ng umano’y katiwalian sa loob ng nasabing ahensya.

Ibinunyag ni Jeff Tumbado, dating head executive assistant ni Guadiz III, ang sinasabing korapsyon sa loob ng ahensya kungsaan umaabot umano hanggang sa Palasyo.



Sa ilang pagkakataon, umabot umano sa P5 milyon ang sinasabing “lagayan” para makakuha ng pabor sa LTFRB kabilang ang “Ruta for Sale”, “Special Permit for Sale” at “Modification of Route”. (Mylene Alfonso)