Advertisers

Advertisers

Anton Bernardo naloko ng “scammer at manlolokong bakla!”

0 63

Advertisers

Ni PETE AMPOLOQUIO, JR.

IN the news na naman ang sexy actor na si Anton Bernardo dahil na-scam daw siya ng almost PHP400K dahil maraming pinautang na hindi nagbayad at hindi
na niya makontak. Dahil dito, siya raw ang nawalan ng pera sa ngayon at putol ang kanyang kuryente.
Problemado rin daw siya sa araw-araw na pangkain.
“Nalulungkot ako dahil ang dami na ring scammer at manlolokong bakla! Meron pa kayang mayaman na matino at matulungin?”
May mga nag-repost niyon sa X (dating Twitter), FB, Messenger at Telegram.
As expected, iba-iba ang nagkomento. Ano raw ba ang gusto niyang ipahiwatig? Naghahanap ba siya ng baklang magsusustento sa kanyang mga pangangailangan at luho?
“Hindi ako naghahanap ng bakla! Tinatanong ko lang kung meron pang ganoong bakla,” paglilinaw niya sa isang panayam.
“Jobless ako ngayon at sobrang struggle ako ngayon financially,” he added.
“Hindi mabuti ang sitwasyon ko ngayon. Na-scam kasi ako ng almost PHP400K. Marami akong pinautang na hindi nagbayad at hindi ko na makontak.
“Ako ngayon ang nawalan ng pera. Putol ang kuryente ko, problemado ako sa araw-araw na pangkain.”
Ang nakatatawa, na-scam daw siya ng bading.
“Oo, umutang sa akin ng malaking pera. Nang sisingilin ko, hindi ko na makontak ang cellphone number niya, at bigla na lang akong binlock sa Facebook.”
Sa kagipitan daw niya sa ngayon, doon lang daw niya malalaman kung sino ang totoong pamilya at kaibigan.
He posted also last July 13, that he is willing to work as a driver or bodyguard.
Huling acting project daw niya ay ang Kapuso primetime series na Bolera (Mayo-Agosto 2022), kung saan he was paid P15K for every taping.
Lately, inalok daw siya ng isang Kapamilya show at 5K lang ang talent fee.
Hindi raw niya tinanggap dahil pakiramdam niya, gipit na nga siya, lalo pa nilang ginigipit!
May mga nagpaparinig na baka raw into drugs siya kaya naubos ang kanyang pera.
“Unang-una, tapos na akong mag-drugs. Hindi na ako nagda-drugs!” sabi ni Anton.
“Grabe ang ibang tao, imbes na tumulong, huhusgahan ka pa! Nawalan lang ng pera, nagbibisyo na agad?”
Sa ngayon, ipinagdarasal daw niyang sana ay makaahon na siya sa perang nawala sa kanya.
Kabilang nga pala sa mga pelikulang nilabasan niya ang Patikim ng Pinya (1996), Linggo Lang Ang Pahinga… Dapat Lang! (1997), Nang Mamulat Si Eba Part 2 (1997), Anakan Mo Ako (1999), Kesong Puti (1999), Sa Paraiso Ni Efren (1999), Gusto Ko Nang Lumigaya (2000), Red Diaries (2001), at Bedtime Stories (2002).
***
Busy si Direk Mark Arvin Agcaoli Bago
PAGKATAPOS ng kanyang Mensahe, busy na naman pala si Direk Mark Arvin Agcaoli Bago sa kanyang follow-up movie na Ang Kwento sa Bahay ni Lola (Spirit Trap) na malapit na rin yatang magkaroon ng premier night sa Gateway Mall (tentative) in Cubao, Quezon City.
As always, mahilig sa Direk Mark sa paranormal type of stories at rito gumagana ang kanyang creativity.
Sabagay, stories such as these have a captive audience so to speak for Filipinos have always been fascinated with the unknown.
Mga bata pa tayo ay nakaririnig na tayo ng mga kwentong may tipong kababalaghan.
At rito sa mga ganitong kwento gumagana ang creativity ni direk Mark.
Typical of his besotted followers, ngayon palang ay nag-aabang na ang kanyang mga tagahanga sa susunod niyang obra maestra.
Good luck, Direk Mark. Here’s wishing you the best of luck!
Follow me in Police Files Tonite tabloid at Yari Ka!
Send in those amusing and sizzling stories at #09276557791.
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!