Advertisers
HINATULAN ng Sandiganbayan special second division ang dating negosyante na si Janet Lim Napoles na makulong ng hanggang 108 taon sa tatlong bilang ng graft, 3 bilang ng malversation of public funds kaugnay ng pork barrel fund scam.
Pinawalang-sala naman ng anti-graft court si dating Ilocos Sur Representative Salacnib Baterina sa parehong mga kaso at direct bribery charge laban sa kanya, pero inatasan itong ibalik ang P35 million sa national treasury na nagamit ng mali at iligal ang pagkaka-release mula sa kanyang PDAF noon.
Si Napoles ay inatasan din na ibalik ang P35 million sa national treasury na iligal na inilabas mula sa PDAF ni Baterina.
Pinagbabayad din si Napoles ng P35 million sa nalustay na halaga.