Advertisers
KRITIKAL ang 17-anyos na estudyante nang aksidenteng mabaril ng kaniyang ate na sinumpong ng sakit na epilepsy sa loob ng bahay sa Barangay Banaba, Silang, Cavite.
Bumaon ang bala sa mukha ng biktima na itinago sa pangalang Jun, sanhi ng maselang kalagayan nito, habang naaresto ang salarin na si alias “Cristal”, 22; kapwa residente ng Excess Lot, Brgy. Banaba..
Sa imbestigasyon ni Police Master Sergeant Rogelio Dalipog ng Silang Police Station, 9:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng mga biktima, kungsaan ipinagtataka ng awtoridad na hawak ng salarin ang isang maiksing baril.
Napag-alaman na may sakit na epilepsy ang salarin nang sumpungin at nakalabit ang hawak na baril na sumapol sa mukha ng nakababatang kapatid.
Duguang bumagsak ang binatilyo na agad namang naitakbo pagamutan.