Advertisers

Advertisers

Konsehal sa MisOr sugatan sa pamamaril

0 8

Advertisers

SUGATAN ang isang konsehal ng bayan ng VIllanueva sa Misamis Oriental nang barilin Linggo ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Hermil Valledor, 45 anyos, incumbent Municipal Councilor ng Misamis Oriental.

Sa imbestigasyon ng Villanueva Police, papasok na sa gate ng kanilang bahay si Valledor sa Purok 6, Barangay Lourdes Imelda nang barilin. Pinaniniwalaang nakaabang sa kanyang pagdating at nagtago sa likod ng puno ng niyog ang salarin.



Nagtamo ng sugat sa mukha si Valledor.

Narekober sa crime scene ang isang basyo ng kalibre .45 na baril.



Patuloy pang iniimbestigahan ng pulisya ang motibo at pagkakakilanlan ng gunman.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">