Advertisers

Advertisers

Abby at Jomari ikinasal na sa Las Vegas

0 15

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

IKINASAL na sina Jomari Yllana at Abby Viduya sa A Little White Chapel sa Las Vegas, Nevada, noong Sunday, November 5.

Ang A Little White Chapel ay sikat na sikat sa America kung saan dito rin nagpakasal ang ilang Hollywood celebrities, kabilang na sina Ben Affleck at Jennifer Lopez.



Present sa naganap na kasal nina Jom at Abby ang anak ni Jomari kay Aiko Melendez na si Andre Yllana, at ilan pang malalapit na kaibigan ng dalawa.

Sa isang panayam kay Abby, sinabi nitong “Probably we’ll stay in the US around two weeks and then balik kaagad. We can’t stay away from the Philippines long because Jom has session.”
Si Jomari kasi ay konsehal sa 1st District ng Paranaque.



Patuloy ni Abby,“Hindi kami puwede magtagal. And then yung honeymoon namin will probably be after Christmas. The church wedding will either be in 2024 or 2025 sa Naga City where his parents got married, in Peñafrancia Church.

“We wanted Vegas, actually it’s funny kasi ang gusto namin ang magkakasal sa amin si Elvis. Kasi Jom used to say to me, ‘Can’t help falling in love with you.’ It’s going to be very simple lang. It’s just a few family members. Sa honeymoon, we were discussing either Paris or in Jerusalem.”



Last August 20, 2023, ibinalita ni Abby sa pamamagitan ng social media na nag-propose na sa kanya si Jomari sa The Peak sa Hong Kong. At noong February 26, 2023 naman ay namanhikan si Jomari sa bahay nina Abby sa Parañaque.

***

SARAH JAVIER DALAWANG AWARD ANG NATANGGAP SA 2 BANSA

BONGGA ang mahusay na actress-singer-composer na si Sarah Javier huh! Dalawang magkasunod na award kasi ang tinanggap niya. Una ay pinarangalan niya sa The 5th AmerAsia International Awards bilang Most Outstanding Composer, Singer & Actress of the Year 2023. Ang awarding ceremony ay ginanap sa Los Angeles, California.

Very special ang award na ito kay Sarah dahil ito ang first international award na natanggap niya.

Bukod sa award, nagkaroon siya ng spot number sa nasabing award-giving body. Maraming humanga sa husay sa pagkanta ni Sarah. At happy siya sa mainit na pagtanggap sa kanya ng ating mga kababayan du’n.

Ang isa pang award na natanggap ni Sarah ay ‘yung Most Outstanding Singer-Composer mula sa World Class Excellence Japan Awards (WCEJA), na ginanap sa New Otani Hotel Fukuoka, Japan noong October 30.

Ang organizer ng WCEJA ay ang singer na si Emma Cordero na tinaguriang Asia’s Princess of Songs.

Sa pagkakahirang sa kanya bilang Most Outstanding Singer-Composer, siyempe pa, super-happy si Sarah. Kaya naman sa post niya sa kanyang Facebook account, sabi niya,”This award is not just an honor for me, but it represents all the hard work, dedication and sacrifices that my family and loved ones have made for me. I am forever grateful and humbled to receive this recognition. Thank you from the bottom of my heart. And special thanks To Ms. Emma Cordero.”

Congratulations Sarah sa dalawang awards na natanggap mo!

Samantala, may bagong single na pino-promote si Sarah titled Pangakong Napako, na pwede nang idownload sa lahat ng digital platforms. Siya mismo ang sumulat ng kanta, at arranged by Elmer Blancaflor. Ang lyrics ng kanta ay binase ni Sarah sa kwento ng buhay pag-ibig ng mommy Lily niya.

“Eto ‘yung kwento ng buhay ng nanay ko. So, ito ‘yung kwento ng pag-ibig niya. ‘Di ba si father nangatok sa ibang kwarto? “Naghiwalay sila, pero at the end of the day, bumalik pa rin siya kay nanay. ‘Yung pangako niya na hindi siya magloloko, ayun, napako,” sabi ni Sarah tungkol sa kanyang song na Pangakong Napako.

Panoorin ninyo si Sarah sa November 16 sa Clowns Republic. Isa siya sa special guest sa show nina Faith Cuneta at Ram Castillo.