Advertisers
NAGTAMO ng hiwa sa leeg ang isang dating barangay chairman na nanalong kagawad nang laslasin ng patalim ng nakaalitan nitong ka-running mate sa pagka-konsehal ng barangay hinggil sa pagtatalo sa nagdaang eleksyon, sa Arnaldo 2, Barangay 1, Dalahican, Cavite City.
Mahigit isang linggo nang natapos ang barangay eleksyon subali’t tila hindi parin matanggap ng mga natalong kandidato ang naging resulta ng bilangan, dahilan upang mauwi sa pananaksak ng 73-anyos na incumbent Brgy. Councilor na nakilala sa alias “Atong”, residente ng Martinez St., Brgy 1. City, sa kaniyang kasamahan sa tiket na si Rodelio Carpenter Famy Jr., 51, incumbent Brgy. Chairman, ng Arnaldo 2, Brgy. 1.
Sa imbestigasyon nina Sergeant Benzon Cauntay at Sergeant Armangel R Genuino, mga may hawak ng kaso, 8:45 ng umaga nang maganap ang insidente habang nag-uusap ang dalawa kasama ang ilang kapitbahay hinggil sa resulta ng nagdaang BSKE.
Kapwa kandidato sa pagka-barangay councilor ang biktima at salarin, kungsaan hindi umano matanggap ng huli ang naging resulta ng bilangan. Biglang inundayan nito ng saksak ang biktima.
Nalaslas ang kaliwang bahagi ng leeg ng biktima na agad namang naitakbo sa pagamutan. Naaresto agad ang salarin na kasalukuyan ng nakakulong at nahaharap sa kasong Attempted Homicide.
Nasa ligtas nang kalagayan ang biktima sa pagamutan. (Irine Gascon)