Advertisers
NASAWI kaagad ang dalawa katao na tumatawid sa highway nang masagasaan ng isang rumaragasang pick up truck sa kahabaan ng national highway sa Barangay Bubukal, Sta. Cruz, Laguna Martes ng madaling araw.
Kinilala ang mga biktima na sina Lesly Barrios at Glenford Asmeralde, kapwa nasa hustong gulang at mga residente sa nasabing bayan.
Base sa inisyal na report ng Sta. Cruz Municipal Police Station, papatawid sina Barrios at Asmeralde galing sa isang kainan at patungo sa kabilang kalsada nang mahagip ng rumaragasang Mistsubishi pick up na minamaneho ni alyas “Juan”.
Sa tindi ng pagkakabangga, kaagad nasawi ang mga biktima, ayon sa mga rumespondeng tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Sta. Cruz,.
Nakakulong na ang driver ng pickup truck sa Sta. Cruz MPS at nahaharap sa kasong ‘Reckless Imprudence in Resulting to Multiple Homicide. (KOI LAURA)