Advertisers

Advertisers

Pabahay at pamamahagi ng titulo ng lupa sa Yolanda victims pinamamadali ni PBBM

0 11

Advertisers

INATASAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Department of Human Settlement and Urban Development at National Housing Authority na madaliin ang pagpapatayo ng pabahay at pamamahagi ng titulo ng lupa sa mga bepepisyaryo ng Bagyong Yolanda sa Visayas region.

Sa talumpati ni Pangulong Marcos sa paggunita sa ika-10 anibersaryo ng Bagyong Yolanda sa Tacloban City nitong Miyerkules, sinabi nito na dapat na hindi kasi nakapasa sa pamantayan ang mga pabahay na ipinagawa noon.

Ipinag-utos din ni Pangulong Marcos sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan na isama na palagi sa anumang programa, at pagdi desisyon ang aspeto ng climate change dahil hindi na aniya ito maiiwasan.



Ayon kay Pangulong Marcos, bagama’t 10 taon na ang nakalilipas mula nang mangyari ang trahedya, marami pa ang kailangan na gawin.

Kinilala rin ni Pangulong Marcos ang mga hakbang ng lokal na pamahalaan ng Tacloban City at iba local gobernment units maging ang non-government organziations sa pagtulong sa emergency evacuation plans pati na sa rehabilitasyon.



Mahalaga aniyang ipagpatuloy lamang ng pamahalaan ang pagpapatupad ng mga hakbang at programang makatutulong para magkaroon ng mas matatag na mga komunidad laban sa climate change. (Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">