Advertisers

Advertisers

Student na anak ng CAFGU binaril sa loob mismo ng iskul

0 9

Advertisers

PATAY ang isang Grade 11 student nang pagbabarilin sa loob mismo ng paaralan sa Barangay Ginatilan, Pikit, North Cotabato nitong Miyerkules.

Kinilala ang biktima na si John Rey Cabuga.

Nabatid na nangyari ang insidente ng pamamaril Miyerkules ng umaga sa loob mismo ng Datu Dalandag High School.



Ayon sa ulat ng barangay officials at ng lokal na pulisya, anak ng isang kasapi ng Citizens Armed Forces Geographical Unit ang biktima.

Ayon sa mga guro ng paaralan, kilalang magalang at masipag si Cabuga at hanga sila sa kanyang pagsisikap na makapagtapos ng high school upang maging sundalo sa pamamagitan ng candidate soldiers course training ng 6th Infantry Division na sakop ng Pikit at mga karatig bayan sa probinsya ng Cotabato.



Wala pang linaw sa mga imbestigador ng Pikit Municipal Police Station kung sino ang mga salarin at kung ano ang motibo sa krimen.

Patuloy ang imbestigasyon ng PNP at 90th Infantry Battalion ng AFP sa insidente. (Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">