Advertisers
VIRAL ngayon ang isang motorcycle rider nang mawala ang kanyang angas nang may dumating na pulis sa gitna ng pananakit nito sa dalawang traffic enforcers matapos hulihin dahil walang suot na helmet.
Ibinahagi ang video ng isang content creator ang pananakit ng rider sa traffic enforcer kahit pa inaawat na ito ng kasama niyang babae.
May dumating na isa pang enforcer na walang kaabog-abog na sinuntok din ng rider.
Kumalma lamang ang rider nang hulihin na siya ng isang pulis at pinasakay sa police mobile.
Ayon sa nag-post, nangyari ang insidente sa Novaliches.
Maririnig naman ang pagpapalakpakan ng mga nag-usyoso sa komosyon nang hulihin na ang matapang na rider.
Narito ang reaksiyon ng mga netizens:
“Ay ang tapang nya. baka puro sorry lng ang masabi nyan.”
“Sa loob kana lang magtapang may paglalagyan ka dun.”
“Oh akala ko matapang. tiklop pla… dapat hndi na kinukulong ang mga ganyang tao.”