Advertisers

Advertisers

ABUSADONG POLICE COLONEL SIBAK SA SERBISYO!

0 22

Advertisers

BINASURA ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang apela na isinampa ni dating Quezon City police officer Lt. Colonel Mark Julio Abong na baligtarin ang kanyang dismissal order sa kanyang pagkasangkot sa hit and run incident na ikinasawi ng isang tricycle driver noong 2022.

Pinagtibay ng DILG ang desisyon at resolusyon ng National Police Commission Regional Appellate Board-National Capital Region na napatunayang ‘guilty’ si Abong sa 3 administrative charges na maituturing bilang ‘grave offense’ na may parusang pagkakaalis sa serbisyo sa PNP.

Inatasan ni DILG Secretary Benhur Abalos si PNP chief General Benjamin Acorda, Jr. na mag-isyu ng kautusan para sa pag-alis kay Abong sa serbisyo.

Sinabi ni Abalos na ang apela ni Abong ay walang saysay, dahil sa mga ebidensya ay napatunayang nakagawa siya ng ‘grave misconduct, grave neglect of duty, and conduct unbecoming of a police officer’ nang tangkain niyang itago ang kanyang nagawa sa hit-and-run incident.

“Abong maliciously falsified evidence to put the blame on his driver Ronald Centino. However, substantial and circumstantial evidence is sufficient to refute Abong’s alibi and defense of mistaken identity,” saad ni Abalos sa kanyang statement.

Nalaman din ni Abalos na si Abong ay lasing nang siya’y dalhin sa PNP Health Services para sa treatment pagkatapos ng insidente.

Si Abong ay naaresto narin sa pagpaputok ng kanyang baril sa labas ng bar sa Quezon City.

“He is a disgrace to his uniform and the police organization as he continues his rogue acts after being arrested for an allegedly unprovoked gun-firing incident outside a bar in Quezon City last Sunday,” diin ni Abalos. Hindi, aniya, kinokonsinte ng DILG ang law enforcer na siya mismo ang lumalabag sa batas.

“May this serve as a stern warning to all police officers in the country that no one is above the law. Ang sinumang pulis na umaabuso sa kanyang tsapa ay mananagot at walang kawala sa kamay ng batas,” pagtatapos ng DILG chief.