Advertisers

Advertisers

Showbiz hiwalayan namayagpag sa 2023…KathNiel, Kim-Xian, Sarah-Richard, Kyline-Mavy

0 25

Advertisers

Ni WENDELL ALVAREZ

AYAW talaga magpatalbog ang showbiz industry sa mga intriga at tsismis kung saan nitong huling quarter of 2023, maraming napabalitang naghiwalay.
Unang sumabog ang relasyon nina Kris Aquino at Vice Governor Mark Leviste ng Batangas na talagang sinubaybayan sa socmed.

Away-bati ang kanilang relasyon na humantong sa hiwalayan.
Ilang beses nag post si Kris na ayaw niya ng LDR or Long Distance Relationship, pero hindi nagpatinag si VG Mark at patuloy na sinuyo si Kris kahit tawirin pa niya ang pacific ocean iparating lang na seryoso siya sa kanyang pagmamahal.



Binabanatan tuloy siya ng mga basher at sinasabing napabayaan na niya ang kanyang tungkulin as VG.
Sumunod ang hiwalayan isyu nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez, ang tinuturong dahilan ay si tita Annabelle Rama, na nakikialam daw sa buhay ng mag-asawa.
Pero sinabi ni Bisaya na kahit kailan daw hindi niya pinakialaman ang buhay ng kanyang anak lalo na at may mga anak na ito.

Ang tinuturo ngayon ng mga basher ay ang mother ni Sarah, kung saan sinabihan daw itong bumalik sa pag- aartista dahil sayang ang kanyang ganda at ginagawa lang anya siyang babysitter ng kanyang mister.



***
TILA tumigil ang ikot ng mundo at marami ang hindi naniwala nang sumabog ang break-up nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Halos higit isang dekada rin ang kanilang loveteam na talagang sinubaybayan ng kanilang mga fans lalo na ang mga KathNiel, na talagang binuo nila ito sa pagmamahal sa kanilang mga iniidolo.
Maraming sumingaw na usapin kung saan ang dahilan daw ay ang mother ni Kath na si Mommy Min. Sinabihan daw nito na tignan ang bangko de libreta ni Daniel at baka nauubos na ito.
Pero lumabas sa mga comment na basher na may third party at ang tinuturo ay si Andrea Brillantes, kung saan nagkikita raw ang mga ito ng palihim na nakarating kay Kath.



Hanggang ngayon ay puzzle pa rin ang mga otaw sa totoong nangyari sa dalawa.
Pinasabog naman ni tita Cristy Fermin sa kanyang You Tube channel ang Showbiz Now Na, talaga raw hiwalay na ang dalawa.

Naging kontrobersiyal din.ang paghihiwalay umano nina Kim Chiu and Xian Lim, pero marami ang hindi naniniwala kasi nga mayroon itong teleserye na ‘Linlang’ kung saan inuugnay siya sa kanyang partner na si Paulo Avelino.

Nagsimula naman sa mga cryptic post ni Kyline Alcantara ang hiwalayan nila ng anak nina Carmina at Zoren na si Mavy, pinagpiyestahan ito ng mga nag comment at basher na naki-join at humabol sa huling quarter ang kanilang break-up. #AbawAh!!!