Advertisers

Advertisers

Limang araw bago ang Bagong Taon…BIKTIMA NG PAPUTOK NASA 52 NA!

0 13

Advertisers

PUMALO na sa 52 ang bilang ng kaso ng mga aksidente dulot ng paputok, batay sa huling tala ng Department of Health (DOH) nitong Martes.

24 sa naturang bilang ng kaso ang naidagdag mula 6:00 AM nitong Lunes hanggang 6:00 AM kahapon.

Karamihan sa mga biktima ay nasa edad 5 hanggang 52.



Nananatili parin na may pinakamataas na bilang ng aksidente dulot ng pagpapaputok ang National Capital Region, na nagtala ng 20, habang anim naman sa mga kaso ay mula sa Region 3, at lima mula sa Region 12.

Lima sa 16 na sugatan ang naputulan ng daliri at kamay matapos gumamit ng mga ilegal na paputok na fireworks boga, plapla, five-star, at goodbye Philippines, at ang legal whistle bomb; habang tatlo dito ay mga menorde edad.



Samantala, pinapayuhan naman ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na pamahalaan na magsagawa na lang ng community fireworks displays, at iwasan nang magsindi ng paputok sa bahay at sa kalapit na kalsada nito.

“Say goodbye to fireworks use at home instead of saying goodbye to your fingers,” pahayag ng DOH.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">