Advertisers
NASAWI ang mag-asawa at 7-anyos nilang apo nang magkaroon ng landslide sa Purok-3, Barangay Paloc, Maragusan, Davao de Oro, Martes ng umaga.
Kinumpirma ng Municipal Information Office ng Maragusan na ang mga biktima ay sina Jesus Quiapo Emejio, 59 anyos; Lucita Liemor Emejio, 58, at mga residente ng Purok-3.
Sa Facebook post ng netizen na si Jhay Moto Lab, makikita sa mga larawan ang tahanan ng mga biktima na nagkaroon ng land slide sa kanilang bahay dahil malapit ito sa bangin. Nabatid na hindi napansin ng mga kapitbahay ang pagguho ng lupa sa lugar at tanging tahanan lamang ng mag-asawa ang naapektuhan.
Dinala sa ospital ang apo ng mga biktima ngunit idineklara itong dead on arrival.
Nakaranas ng landslide ang barangay dahil sa malakas na ulan Martes ng gabi.